PALPAK NA HEALTH PROTOCOL NI KAPITANA

PALPAK NA HEALTH PROTOCOL NI KAPITANA

January 19, 2022 @ 9:10 PM 7 months ago


NGAYON, mga pare koy, pag-usapan naman natin itong palpak umanong health protocol ni Kapitana dela Cruz ng Barangay Antipona, Bocaue, Bulacan na kung saan ay nag-ikot daw umano ang ilang mga tauhan ng barangay at nag-anunsyo para sa health protocol.

E, ang kaso tila pumalpak dahil sa hindi naman sinusunod ng mga pasaway na mga mamamayan.

Basahin natin ang nasabing report na ipinadala po sa atin ng isang concerned citizen ng Brgy. Atipona, Bocuae, Bulacan.

 Dear Mr. Juan de Sabog, may info/report po ako sa inyo tungkol sa palpak na health protocol ni Kapitana Mila Dela Cruz Dabu ng Brgy. Antipona, Bocaue, Bulacan na kung saan nitong nakaraang araw ay nag ikot ang ilang tauhan ng barangay.

Sa pag-iikot ay nag-anunsyo ang mga bata ni kapitana bilang pagpapatupad sa health protocol ngunit bigo at palpak na maipatupad ito dahil hindi rin naman ito sinusunod ng mga pasaway na mamamayan ng nasabing barangay.

Mantakin Ninyo, Sir Johnny, matanda, bata, babae o lalaki ay patuloy pa rin sa paglabas sa kanilang mga bahay partikular na ang mga batang napabayaan ng kanilang mga magulang.

Bagama’t nagpatupad man ng health protocol ay hindi naman ito nasundan ng pagmo-monitor ng mga inutil na barangay official upang kwestyunin at sitahin ang mga lumalabag sa patakaran.

Ewan ko po ba kung anong klaseng mga official ang mga ito na hindi sinusunod ng kani-kanilang mga ka-barangay sa kabila ng mahigpit na babala ng gobyerno sa pagsunod sa health protocol.

Sana, Mr. Magalona, ay mabigyan ninyo ng puwang na mailathala ito sa inyong walang kinakatakutan na kolum na Juan de Sabog.

PASUGALAN SA SPD PATULOY

Sa southern district ng Metro Manila, sa kabila ng tumitindi ang paglaganap ng corona virus ay patuloy naman na nangongolekta sa mga iligal na pasugalan itong isang alyas Allen Manuela.

Palibhasay walang ipinagmamalaki kundi si Southern Police Disrtict P/BGen. Jimili Macaraeg kaya ganon na lang kalakas na mangolekta sa mga pasugalan itong isang alyas Manuela.

Paging: NCRPO P/BGen. Vicente Danao, sino ang mamang ito na nangongotong sa mga pasugalan.

oOo

Anomang puna o reklao i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]