Palusot ni Duque sa PhilHealth mess, inupakan ni Sotto: Nakapasagwa!

Palusot ni Duque sa PhilHealth mess, inupakan ni Sotto: Nakapasagwa!

September 16, 2020 @ 5:33 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Matinding inupakan ni Senate President Vicente Sotto III ang palusot ni Health Secretary Francisco Duque III na wala siyang pinirmahan na dokumento sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) kaya wala siyang pananagutan sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa panayam, sinabi ni Sotto na base  sa karta  PhilHealth na wala  talagang  kapangyarihang bomoto si Duque bilang chairman of the board ng kompanya pero imposible  umanong hindi nito alam na ilegal ang pagpapalabas ng P14.5 bilyon sa IRM.

“Ikinalulungkot kong sabihin ng napakasagwa ng mga palusot nila. Napakasagwa,”  ayon kay Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na inaakala ni Duque at Department of Justice (DOJ) na hindi binasa ng Senado ang PhilHealth law.

“Hindi naman talaga bumuboto ang iyong chairman eh. Non-voting, nakalagay doon. O anong klaseng palusot yung dahil hindi pumirma, talagang hindi pipirma,  pero  alam niya hindi pipirma,”  giit ni Sotto.

“Ang tanong dito, ang ibig mong sabihin, balewala yung mga Zoom meeting na umattend siya? Zoom meeting na nagbu-bull session yung executive committee at saka yung members ng board? Nandoon siya, may pruweba na umattend siya, ano ang ibig sabihin, dahil 67 hindi niya aasikasuhin yun? Walang kwentang palusot,”  ayon pa kay Sotto.

Ayon kay Sotto,  ngayon, palagay na natin, ilagay na nating totoo, pagpalagay na nating totoo na hindi niya namalayan, mula March hanggang June na P14.8 billion ginagastos ng PhilHealth ng illegal, hindi niya namalayan, saan ang bagsak niya?

“Bagsak siya sa Article 217 of the revised Penal Code. Alam ng DOJ yan kaya yung nagsasalita, aba eh kinalulungkot kong sabihin, hindi maganda yung palusot mo,” giit ng lider ng Senado.

“ Nandoon yung negligence eh. Abandonment, negligence, kahit may pandemic, secretary of health ka, ikaw ang chairman of the board, ang board ng PhilHealth, governed the PhilHealth, anong klaseng palusot yun,”dagdag ni Sotto.

“Well, una sa lahat, pakinggan nain muna yung sinasabi ni Sen. Lacson. Hindi daw niya alam kung ano ang agimat ni Sec. Duque kay Presidente. Ngayon, pagpalagay natin, ipagpalagay lang natin na talagang tiwalang-tiwala ang Presidente sa kanya, ay ibig ba sabihin noon, hindi siya mananagot, kung may sabit? ,”ayon pa sa senador.

Aniya,  mas maganda kay Duque na harapin nito sa husgado ang kasong negligence at abandonment para mapatunayan na hindi totoo ang akusasyon at magtiwala ang taumbayan sa kalihim.

 “O ngayon, DOJ yan, recommendatory din yan katulad namin. Ako umaasa na pagdating sa Ombudsman, dinalhan namin ng kopya ang Ombudsman, hindi ganyan ang sitwasyon. Umaasa ako na magiging iba ang kulay pagdating sa Ombudsman,”ayon kay Sotto.

Kamakailan,inabsuwelto ng DOJ-Led  PhilHealth task Force sina Duque at dating  PhilHealth VP Rodolfo del Rosario  for legal sector sa pananagutan sa maanomalyang pagpapalabas ng p14.5 bilyong pondo sa IRM.  Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...