Palutong chibugan sa Funnside Ningnangan!

Palutong chibugan sa Funnside Ningnangan!

August 10, 2018 @ 12:03 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagkra-crave ng lutong Pinoy? Gusto kumain pero tinatamad magluto at sawang sawa na sa mga fast food restaurants? We got you covered, dear! Tara G! sa Funnside Ningnangan!

Simula pa noong 2009, “paluto” o “dampa” ang peg ng Funnside Ningnangan. Palengke plus restaurant ang istilo nito kaya mas convenient kumpara sa ibang mga paluto restaurants na sa iba mo pa bibilhin ang karne o isda na ipapaluto. Makikita mo rin kung paano iniihaw at niluluto ang mga ulam na special request mo dahil may malaking ihawan sa tabi lang ng mini fresh market nito.

Tubong Kapampangan at Bulacan ito kaya ang ilan sa mga specialty dito ay mga inihaw, seafood, bulalo, sinigang, chopseuy at chicharong bulaklak.

Mayroon din silang mga special orders tulad ng salpicao, pata tim, tokwa’t baboy, T-bone steak at iba pa.

Nagse-serve din sila ng ilan sa mga paboritong dessert ng mga Noypi tulad ng leche flan at fruit salad.

Bukod sa reasonable price na ino-offer ng Funnside, open-air at native na native din ang ambience dito kaya feel na feel mo ang pagka-Pinoy habang kumakain dito. Meron pa silang pa-wide screen TV na pang-entertain habang kumakain. Perfect pang family o barkada bonding!

Mae-experience mo ang Pinoy paluto ng Funnside Ningnangan sa San Fernando, Guiguinto, Caloocan, Pulilan, Apalit, Angeles, San Matias, Mexico at Sta. Maria.

Kaya’t ano pang hinihintay niyo, Tara G na, kain tayo! Remate News Team/Intern,Coleen Sheikha Fabro