Pamahalaan aaksyon sa #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge



Pamahalaan aaksyon sa #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge

September 25, 2020 @ 3:37 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nananatili ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth)na sangkot sa katiwalian sa state insurer.

“There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa trending  ngayon sa FaceBook na #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge.

Sa katunayan aniya, ang Department of Justice, sa pamamagitan ng  PhilHealth Task Force, ay isinasapinal na ang reklamo laban sa mga opisyal na nasa report  na isinumite kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sampahan ng kaso sa tamang venue.

Kaalinsabay nito, ang composite teams na inatasan na tingnan hindi lang  ang  PhilHealth Legal Sector ay  nagpapatuloy sa kanilang inbestigasyon.

“Zero tolerance against corruption is not just a catchphrase but a serious matter in the current administration,” ayon kay Sec. Roque. Kris Jose


  •  
  •  
  •