Pamahalaan kinalampag sa pagkamatay ng OFW sa Kuwait

Pamahalaan kinalampag sa pagkamatay ng OFW sa Kuwait

January 27, 2023 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon sa Kamara ang Makabayan bloc upang busisiin ang ginawa ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.

Sa House Resolution No. 726 na inihain nitong Huwebes, Enero 26, tinukoy ng Makabayan bloc ang brutal na pagpataysa Kuwait-based OFW na si Jullebee Ranara at ang ulat na mayroong mahigit 400 distressed OFWs na nagsisiksikan sa pasilidad ng gobyerno sa nabanggit na bansa.

Matatandaan na si Ranara ay natagpuang patay sa disyerto sa Kuwait at napag-alaman na ginahasa, nabuntis at sinagasaan pa ng suspek na 17-anyos na anak ng amo nito.

“Ranara’s death and the plight of hundreds of OFWs in Kuwait serve as another reminder of the huge social costs of migrant development and as a wake-up call for the national government to abandon the labor export paradigm and start focusing on generating decent jobs at home,” ayon sa mga mambabatas.

Ipinunto rin ng mga ito na si Ranara ay ikaapat na Filipina na brutal na pinatay sa kamay ng Kuwaiti employers.

“Such series of brutal killings of OFWs in Kuwait persisted despite the imposition of temporary deployment bans and despite the signing of the Memorandum of Understanding (MOU) on the deployment of migrant workers between the Philippines and Kuwait in 2018,” ayon pa sa Makabayan bloc.

Dahil dito, ayon na rin sa resolusyon na inakda nina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel na dapat repasuhin ang MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na nag-expire na noong 2022, at alisin ang kafala system sa ilang bansa katulad ng Kuwait.

Ang kafala system ay nag-oobliga sa migrant workers na magkaroon ng sponsor sa bansang papasukan upang makakuha ng visa at worker’s permit.

Dahil kasi dito ay nagkakaroon ng kontrol ang employer sa pagtatrabaho at migration status ng isang foreign worker.

“Ranara’s death must put the spotlight on the immediate ratification of International Labour (ILO) Convention 190 on ending violence and harassment in the world of work, and of the enactment of laws that will strengthen protection for women workers in various settings,” dagdag pa. RNT/JGC