Pamahalaan lalaban sa fake news

Pamahalaan lalaban sa fake news

March 13, 2023 @ 4:02 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ng media literacy campaign kontra fake news at disinformation ang pamahalaan lalo na sa digital landscape at social media.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit, layon ng kampanya na tulungan ang “most vulnerable communities” upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kakayanan “to be discerning of the truth as they engage in various social media channels and platforms.”

Ipinaliwanag ng PCO official na ang kampanyang ito ay gagawin sa “context-based and factual grassroots approach,” kasabay ang active collaboration ng PCO at pribadong sektor partikular na ang mga nasa media.

“We will work to improve the citizenry’s ability to think critically and analyze information. The first step towards this end is identifying reliable and credible sources of information,” ani Maralit sabay-sabing, “wish[es] to achieve this goal with both sensitivity, balance and respect for constitutional rights.”

Ang anunsyong ito ay ginawa ni Maralit sa side event sa ika-67 sesyon ng United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) sa UN headquarters sa New York, ayon sa pahayag ng PCO.

“Backed by the budgetary support from the Philippine Congress and its confidence in the leadership of the PCO, we took the opportunity to develop mechanisms through which we can bring the online experiences of females of all ages into focus,” aniya.

Sinabi pa ni Maralit na magkakaroon pa ng mas masusing pag-aaral ang gagawin ngayong buwan upang matukoy ang mga komunidad sa bansa na pinaka-nangangailangan ng media literacy; social media platforms na nakapambibiktima sa mga ito sa fake news; at malaman ang mga topic na karaniwang sakop ng misinformation at disinformation.

Aniya, kapag napagsama-sama na ang mga pag-aaral ay inaasahang ikakasa na ng pamahalaan ang nationwide campaign at media literacy summit sa pagtatapos ng taon. RNT/JGC