Pagpapalawig ng deadline para sa Saudi Oger backwage claimants, ihihirit ng DMW

January 31, 2023 @7:15 AM
Views: 0
MANILA, Philippines- Ihihirit ng Migrant Workers Department ang pagpapalawig sa online registration deadline para sa former Saudi Oger employees na naghahanap ng kanilang hindi nababayarang backwages.
Sa ulat, 80 percent sa claimants ang may problema sa pagrerehistro ng kanilang backwages dahil sa problema sa pag-access sa website ng pagpaparehistro o hindi maibigay ang kinakailangang dokumentasyon upang gawin ang kanilang claim.
Isang araw bago ang registration deadline, nagtungo ang ilang mga dating empleyado at kaanak ng mga empleyado sa opisina ng DMW Kung saan ipinaliwanag sa kanila ang Saudi Oger registration.
Paliwanag ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na limitado ang registration process ng Saudi Oger sa dating empleyado ng kumpanya at walang kinalaman ang Saudi Arabia Crown Prince’s announcement na ang gobyerno ay maglalaan ng P532 milyon para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho.
“Ang website na pinupuntahan niyo ay hindi website ng Philippine government. Ito ay isang private initiative ng Saudi Oger,” pahayag ni Caunan
“Wala pang paguusap between the Philippine government and Saudi sa claims ninyong lahat, hindi lang ng Saudi Oger, pati ng ibang kumpanya.”
Gayunpaman, sumulat ang DMW sa gobyerno ng Saudi at ipinaalam na nilayon nilang pag-usapan ang P532 milyon na pondo ng kompensasyon ng Crown Prince.
Tulad ng para sa mga dating manggagawa sa Saudi na hindi pa nagsampa ng anumang claim, sinabi ng DMW na kailangang i-email ng mga manggagawang ito sa kanilang mga dating kumpanya ang kanilang patunay ng trabaho at ipaalam sa kanila ang kanilang layunin na maghain ng claim.
Ang mga dating manggagawa ay binigyan ng instruction kung ano ang susunod nilang gagawin upang makakuha ng isang form ng paghahabol na kailangan nilang lagdaan, at kung saan kailangan nilang manatili sa ngayon.
Habang humihiling ang DMW ng pagpapalawig sa deadline ng pagpaparehistro, walang garantiya na ito pagbibigyan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
LPA trough, shear line, amihan magpapaulan sa bansa

January 31, 2023 @6:45 AM
Views: 4
MANILA, Philippines- Inaasahang magpapaulan ang shear line sa Visayas at silangang bahagi ng Mindanao habanag makaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa Luzon ngayong Martes, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa timog na bahagi ng Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil za trough ng Low Pressure Area o LPA.
Makararanas naman sa Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Sorsogon, Albay, at Catanduanes ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa shear line.
Magiging maulap sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at natitirang bahagi ng MIMAROPA at Bicol Region na sasabayan ng ulan dahil sa northeast monsoon.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon naman, inaasahan anh “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil din sa also amihan.
Makararanas sa natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa shear line at localized thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa Luzon ar Visayas ay moderate to strong patungonf northeastward.
Makararanas sa eastern section ng Mindanao ng moderate to strong wind patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.
Inaasahan sa natitirang bahagi ng Mindanao ang light to moderate patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:54 ng hapon. RNT/SA
Rider na nakabundol ng lady guard, tepok sa trak

January 30, 2023 @7:56 PM
Views: 70
MANILA, Philippines – Patay ang isang rider nang masalpok niya ang lady guard na umaasiste sa isang sasakyan na umaatras dahilan upang matumba ang minamaneho niyang motorsiklo at masagasan naman na paparating na truck sa Quezon City, Linggo ng hapon, Enero 29.
Kinilala ang rider na nasawi na si Paul P. Talla, nasa hustong gulang, at residente ng Saint Joseph St., Brgy. Holy Spirit Q.C., habang sugatan naman ang nasalpok niyang lady guard na si Renalyn Cordovez Quintero, nakatira sa Barrio Sto, Cristo Tala Caloocan City.
Agad namang nadakip ang suspek na si Rodney Sarabia Diangzon, 35, may asawa, driver, at naninirahan sa Sitio Dilain, Brgy, San Juan Cainta Rizal.
Sa ulqt Quezon City Police District (QCPD), Traffic Sector 6, bandang 5:20 ng hapon (January 29), nang maganap ang aksidente sa Congressional Ave., malapit sa kanto ng Visayas Ave., Brgy. Bahay Toro,, Q.C.
Sa imbestigasyon ni PSSg Romeo A. Birog Jr., ng Traffic Sector 6, kapwa binabaybay nina Talla na sakay ng Motorsiklo na may plakang 6074-NA at ng suspek na lulan naman ng Isuzu Dropside Truck na may plate number na DAL-1046 ang kahabaan ng Congressional galing sa Mindanao Avenue at patungong Visayas.
Pagdating sa nasabing lugar ay nasalpok ng rider ang lady guard na noon ay nag-aasiste ng isang sasakyan na umaatras.
Dahil sa pagkabigla ay natumba ang minamanehong motor ni Talla at eksakto namang paparating ang minamanehing truck ng suspek dahilan upang masagasaan ang rider na agad nitong ikinamatay.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. Jan Sinocruz
P14.5M droga nasabat, 86 tulak at sugaril tiklo sa Bulacan ops

January 30, 2023 @7:43 PM
Views: 59
BULACAN – Nasa mahigit P14 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa loob ng isang linggong buy-buy operation sa ibat-ibang lugar sa lalawigang ito.
Ayon sa kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, 86 indibiduwal na hinihinalang tulak ang kanilang nahuli simula hating gabi ng Emero 23 hanggang Enero 29, taong kasalukuyan.
Sa report, nakumpiska nila ang 288 sachets shabu at 31 sachets pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang P14,501,737.4 at buy-bust money.
Arestado rin ng mga awtoridad sa loob ng isang linggo sa bisa ng warrant of arrest ang 102 umanoy kriminal kabilang ang apat na Most Wanted Person (MWP).
Samantala, 20 indibiduwal din ang nasakote na nagsusugal gaya ng sabong, nagbabaraha at cara y cruz na nakumpiskahan ng mga gambling paraphernalias at kanilang pusta. Dick Mirasol III
Bagong resilience, sustainability program ng DENR sa LGUs umarangkada na

January 30, 2023 @7:30 PM
Views: 63