Pamamahagi ng COVID-19 cash aid sa Catanduanes, sinimulan na – DOLE

Pamamahagi ng COVID-19 cash aid sa Catanduanes, sinimulan na – DOLE

November 11, 2020 @ 7:57 AM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagsimula nang mamahagi ng coronavirus disease (COVID-19) cash aid ang Department of Labor and Employment sa Catanduanes.

“Ready na po kami na i-pay out ‘yung binigay niyo sa amin na P13 billion… to include ‘yung P3 billion from the tourism tsaka P300 million sa teachers, ‘yung mga non-teaching positions,” ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III sa ulat nito sa Pangulo.

“Kanina nga… nag payout na po kami sa Virac, Catanduanes, including Bato, Catanduanes. Doon sa Tupad,” dagdag nito.

Matatandaang nitong Oktubre ay binigyan ng P13 bilyong pondo ang DOLE para sa mga programang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP).

Sa pondong ito nakakuha ang TUPAD o  ang cash for a work program ng P6 bilyon na inaasahang magkakaroon ng 863,867 benepisyaryo.

Habang ang CAMP na magbibigay ng ayuda sa 993,432 manggagawa mula sa mga pribadong establisyimento na apektado ng pandemya ay nakakuha ng P5 bilyon.

Ang natitirang dalawang bilyong piso ay nakalaan sa 200,000 OFW na nawalan ng trabaho sa ilalim ng AKAP.

“And then ‘yung binigay niyo na P1 billion para sa mga anak ng mga OFW na one college student per displaced OFW, for payout na po lahat,” dagdag ni Bello. RNT/ELM


  •  
  •  
  •