Pamamahagi ng natitirang P3K ng 2021 SRI papaspasan na- DepEd

Pamamahagi ng natitirang P3K ng 2021 SRI papaspasan na- DepEd

January 14, 2022 @ 7:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi sa lalong madaling panahon sa mga kwalipikadong personnel ang natitirang P3,000 sa P10,000 one-time Service Recognition Incentive (SRI) para sa 2021.

Inihayag ng DepEd na sa pagsusumikap ni Secretary Leonor Magtolis Briones at ng Office of the Undersecretary for Finance (OUF), nakakalap ito ng sapat na pondo para sa P10,000 one-time SRI para sa 2021.

Ayon sa DepEd maaasahan ito ng lahat ng DepEd regular, contractual, at casual employees sa lalong madaling panahon.

“Based on the AO, the SRI will be funded out of available released FY 2021 PS allotments of the agency,” paglalahad ng DepEd. RNT/SA