Pamamahagi ng subsidiya sa mga magsasaka, mangingisda oks na sa Comelec

Pamamahagi ng subsidiya sa mga magsasaka, mangingisda oks na sa Comelec

April 21, 2022 @ 2:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ini-exempt ng Commission on Elections (Comelec) ang sibsidy programs ng Department of Agriculture para sa mga mangingisda at magsasaka mula sa election spending ban.

Kinumpirma ito ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia sa hearing sa Kamara nitong Miyerkules.

“As far as the request of DA, your honor, it was already approved,” pahayag ni Garcia sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.

“We approved already without any limitations or restrictions because we honestly believe these are very important projects of the DA.”

Hiniling ni Agriculture Secretary William Dar sa poll body na payagan ang pamamahagi ng P3,000 fuel discount vouchers sa mga piling magsasaka at mangingisda.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10747, “the release, disbursement, or expenditure of public funds are prohibited during the campaign period from March 25 until May 8, 2022.” RNT/SA