PAMAMARAAN SA PAGTIGIL SA PANINIGARILYO

PAMAMARAAN SA PAGTIGIL SA PANINIGARILYO

January 20, 2023 @ 1:12 AM 2 weeks ago


 Kahit pa direkta mo itong nasinghot o galing sa secondhand smoke, ang usok ng sigarilyo ay nakakapinsala sa ating baga. Ang pag-iwas sa usok ay mapapabagal ang pinsala maging ang pagkakaroon ng pulmonary disease.

At ang pagtigil sa paninigarilyo ay mapapababa ang tiyansang dala nito sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo na magkaroon ng mga sakit at problema sa kalusugan.

·        Magtakda ng petsa kung kailan ka titigil sa paninigarilyo

Ayon kay Lindy Wolfenden, MD, assistant professor ng medisina sa Emory University School of Medicine sa Atlanta, kung gusto mong tumigil sa paninigarilyo, mag set ng quit date. Ang pag set ng petsa ng iyong pag-ayaw ay nagfo-formalize ng iyong pagsubok na tumigil. At kung ito’y tangkain mo ng ilang beses, tataas ang tiyansa ng iyong pagtigil sa susunod na pagsubok mo. At sa iyong pagpili ng petsa, piliin mo ang date na hindi ka madalas ma stress, dahil ang stress ay may malaking epekto sa iyong pag-ayaw.

Markahan ang“quit date” sa iyong kalendaryo. Nirerekomenda ng mga eksperto na maiging maging mentally at emotionally focus sa petsang ito para sa oras ng bagong simula at mabuting kalusugan.

·        Asahan na ang pagiging miserable

Siguradong magiging mahirap kung ito ang unang beses na titigil ka sa paninigarilyo. Maari kang makaramdam ng pagiging miserable, irritable, at pagkalungkot. Ngunit ayon sa American Lung Association, ang nicotine ay mabilis na nawawala sa ating sistema. Dahil makaliipas lamang ang 24 oras ay hindi na ito makikita pa sa taong tumigil na sa paninigarilyo.

Pagkalipas ng ilang linggo, maaring makaramdam ka ng pagkagutom. Gusto mong kumain buong araw, ngunit pag nagawa mong makaraos sa unang mga araw, mararamdaman mo na rin na ikaw na ang may control.

Panatilihing may sugarless gum o matigas na candy sa iyong bulsa habang nasa ganito kang sitwasyon.