Pamamaril sa abogadong Pinoy sa NY, posibleng kaso ng ‘mistaken identity’ – envoy

Pamamaril sa abogadong Pinoy sa NY, posibleng kaso ng ‘mistaken identity’ – envoy

June 21, 2022 @ 1:30 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Posibleng ang Philadelphia shooting kung saan namatay ang isang abogadong Pilipino ay “case of mistaken identity,” ayon kay Philippine Consul General in New York Elmer Cato batay sa police sources.

“The fatal shooting of Filipino lawyer John Albert Laylo could be a case of mistaken identity, according to police sources,” pahayag ni Cato sa Twitter nitong Martes.

Batay umano sa police sources, “a gunman appear[ed] to have fired at the wrong vehicle that was similar to what he was chasing.”

Idineklarang patay si Laylo “some 30 hours” matapos ang insidente. Siya ay 35 taong gulang.

Nauna nang sinabi ni Cato na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa New York sa mga lokal na awtoridad “and reached out to others who may have any leads on the shooting.”

Base umano sa ulat ng mga pulis, sinabi ni Cato ang Uber vehicle na sinakyan nina John at kanyang ina “was fired upon from behind by unknown suspects on board a Nissan Maxima.”

“The still unknown suspects then pulled alongside the driver’s side of the [Nissan] Altima and fired more rounds before fleeing,” dagdag niya.

Ayon kay Cato, tiniyak niya sa pamilya ni Laylo ang tulong sa pag-uuwi sa mga labi ng abogado. RNT/SA