Pamamaril sa ex-Mayor ng San Jose de Buan, Samar: Suspek, arestado!

Pamamaril sa ex-Mayor ng San Jose de Buan, Samar: Suspek, arestado!

October 9, 2018 @ 9:47 AM 4 years ago


Samar – Naaresto ng mga awtoridad nitong Lunes ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa dating Mayor ng San Jose de Buan, Samar.

Ayon kay Senior Supt. Nicolas Torre III, director ng Samar Police Provincial Office, naaresto ang suspek sa isang checkpoint habang sinusubukan nitong tumakas gamit ang isang motorsiklo.

Ang suspek, pinaniniwalaang isang miyembro ng komunistang grupong New People’s Army (NPA), ay nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang kaliwang binti.

Kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa Tacloban City ang biktima na si Ananias Rebato, 57, habang dead on the spot naman sa pinangyarihan ng pananambang ang 24 anyos na bodyguard na si Severino Tesorio.

Patay din sa insidente ang isa sa apat na suspek ng mapuruhan ng security aide ng dating LGU official sa pagganti ng putok nito ng baril.

Tinitignan ng mga imbestigador ang tatlong posibleng motibo sa pamamaril: pulitika, personal na interes at propaganda ng mga NPA.

Naging alkalde si Rebato simula taong 2007 hanggang 2016./Remate News Team