Pamamaril sa loob ng MSU kinondena ng PSC

Pamamaril sa loob ng MSU kinondena ng PSC

December 6, 2021 @ 1:52 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng Philippine Sports Commission (PSCV) ang naganap na insidente ng pamamaril sa isang sports event noong Disyembre  2 kung saan lima ang nasugatan habang ginaganap ang awarding ceremony sa Mindanao State University.

Ikinalungkot ng PSC ang trahedya dahil ang sports event ay pagtitipon ng apisyonado ng palakasan nagsasama-sama para sa physical exercise at kilos pangkapayapaan.

Adbokasiyang ‘Sports for Peace’ ang hatid na programa ng PSC sa maraming mga bayan sa Mindanao, kasabay ng positibong pagpapaunlad ng sports bilang tulay ng pagkakaisa ng lahat ng mga mamamayan doon.

Nakipag-coordinate na si PSC Chairman William Ramirez sa ‘council of elders’ sa Marawi upang maiwasan na ang ganitong insidente lalo na at sa Marawi pinauunlad ang sports.

 “Let us not allow people with a penchant for violence mar the success of sports in the grassroots level. Let us all continue to be vigilant in our work for peace,”   ani Ramirez.

Matatandaang limang estudyante ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa loob ng campus sa itinuturing na isang gang war.

Natapos lang ang pamamaril ang pambubugbog sa limang estudyante ng isang off-duty na pulis ang dumating at nagpakilalang pulis kaya nagtakbuhan ang mga suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina Macaraya Saripada Armana, Banjo Saripada, ant Ramkim Sarapida na lahat ay nasa tamang edad na at residente ng Barangay Rapasun, Marawi City.

Nakilala naman ang limang biktima na sina Aripodinm Darayno Mamacuna, Macaraya Saripada Armama, Banjo Saripada at Rakim Saripado.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng follow up operations ang mga operitiba kaugnay sa insidente.Rico Navarro