Pamamaril sa Maguindanao mayor palaisipan pa

Pamamaril sa Maguindanao mayor palaisipan pa

February 24, 2023 @ 4:54 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Maraming anggulo ang sinisilip ng Southern Police District sa pamamaril kay Datu Montawal, Maguindanao del Sur Mayor Ohto Caumbo Montawal habang nasa loob ng sasakyan nito sa Pasay City.

Sa panayam kay SPD Director PBGen Kirby Brion Kraft, maraming anggulo at maaari aniyang isa ang road rage sa dahilan ng insidente, at may posibilidad din na hindi asintado ang gunman dahil hindi napuruhan ang biktima.

Sa imbestigasyon sa Board Member na kasama ni Mayor Montawal nang maganap ang pamamaril, sinabi nitong wala siyang nalalaman na kagalit ng biktima na maghahangad na saktan o patayin ito.

“Patuloy ang imbestigasyon at backtracking sa insidente. Tinitingnan natin ang CCTV sa part ng Pasay City at hinihingi natin ang tulong ng Manila Police District sa ikareresolba ng kaso,” sabi ni PBGen Kraft sa panayam ng REMATE.

Umaasa naman ang opisyal na mabilis ding mareresolba ang naturang kaso katulad ng iba pang mga insidente ng krimen sa Metro Manila dahil sa nakalatag na operational procedure ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Dave Baluyot