Pamangkin ni Degamo sa nasa likod ng pagpaslang sa tiyuhin: Organisasyon sila

Pamangkin ni Degamo sa nasa likod ng pagpaslang sa tiyuhin: Organisasyon sila

March 13, 2023 @ 7:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Naniniwala si Siaton Mayor Cezanne Fritz Diaz na ang nasa likod ng pagpatay kamakailan sa kanyang tiyuhin na si Negros Oriental Governor Roel Degamo ay isang organisadong grupo, kung saan mas maraming opisyal, kabilang siya, ang nasa listahan.

Base kay Diaz, sangkot ang grupo sa likod ng pagpatay sa kanyang tiyuhin sa iligal na aktibidad, na motibo umano sa pag-atake nitong buwan.

“Organisasyon sila. Hindi ito isang tao lang, itong suspect, hindi lang siya, grupo ‘yan,” pahayag niya, ayon sa ulat nitong Linggo.

Nakikipag-usap si Degamo sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Pamplona nang pagbabarilin siya ng mga armadong kalalakihan.

Dadalhin ang mga labi ni Degamo sa Siaton para sa public viewing ngayong Lunes, bago ilibing sa family-owned property sa Huwebes.

Napatay si Degamo at lima pa sa shooting incident. Umabot na ang death toll sa siyam sa kasunod na araw, habang 13 iba pa ang naiulat na nagtamo ng sugat.

Naaresto ang tatlong suspek sa hot pursuit operation sa Bayawan City noong Marso 4, kung saan patay ang isa pang suspek sa engkwentro sa mga awtoridad sa lalawigan.

Nahuli naman ang isa pang suspek noong Marso 5.

Nagtalaga na ang Philippine Army ng mas maraming sudnalo sa Negros Oriental para tiyakin ang kaligtasan sa probinsya sa patuloy na pagtugis ng mga awyoridad sa mga killer sa Degamo slay. RNT/SA