Pamangkin ni Echiverri, papasukin ang showbiz, G maka-work si Julia!

Pamangkin ni Echiverri, papasukin ang showbiz, G maka-work si Julia!

February 17, 2021 @ 7:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sixteen years old pa lang si Samantha Marquez ngunit very much aware siya sa nangyayari at sa pagbabago ng mundo dulot ng COVID 19 pandemic.

Si Samantha ay pamangking buo ng dating mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri.

Ngayong buwan ng February lang nag-sweet sixteen si Samantha pero alam niya ang danger na dulot ng pandemya kapag niluwagan ang restrictions sa NCR.

Usap-usapan kasi na sa buwan ng Marso ay mailalagay na sa MGCQ o Modified General Community Quarantine ang Metro Manila.

“For me kasi, mas maganda kung panatilihin na lang muna sa bahay ang mga bata. Sana ‘wag pa ring payagan sa mga get together o parties,” sabi pa ni Samantha na isang Gen Z.

Hindi rin pabor si Samantha na magbukas ang mga sinehan sa darating na March.

“Aware naman ako na isa sa mga badly affected ng pandemic, e, ‘yung entertainment industry pero sana kaunting sacrifice pa para lalong bumaba ang number ng COVID 19 cases,” dagdag pa niya.

Anyway, magaling magsayaw at kumanta si Julia. Bet din niya ang acting at may malaking posibilidad na magkatrabaho sila ni Julia Barretto, anak ni Marjorie.

Open secret naman sa entertainment world ang tsismis tungkol sa dating mayor ng Caloocan na si Recom at kay Marjorie.

“Puwede naman akong magtrabaho with anybody. Wala naman po akong pinipili.

“I’m open to work with Julia, it’s an honor.

“Pero kung papipiliin ako ng leading man, mas gusto ko si Daniel Padilla,” sabi pa ni Samantha sabay ngiti.

Makakasama si Samantha sa pelikulang “Maharlika Clan” na ipo-produce ni Dr. Shariff Ibrahim Albani. Ito ang magiging baptism of fire ni Samantha sa showbiz. JP Ignacio


  •  
  •  
  •