Pamatay na recipe, inilagay sa mga lapida sa Amerika

Pamatay na recipe, inilagay sa mga lapida sa Amerika

November 1, 2022 @ 9:40 AM 1 month ago


UNITED STATES – Kung pangkaraniwang pangalan ang nakalagay sa mga lapida na nililinis tuwing Undas, may mga kakaiba pa palang pwedeng ilagay dito.

Katulad na lamang sa isang sementeryo sa Brooklyn, New York dahil hindi lamang pangalan ng yumao ang nakalagay kundi recipe ng isang pagkain.

Sa isang TikTok video, ipinakita ng user na si @ghostlyarchive ang isang lapida na may nakalagay na recipe ng “spritz cookies” mula sa isang Naomi Odessa Miller-Dawson na namatay noong 2009 sa Green-Wood Cemetery.

“It wasn’t just that it said this woman liked cookies… It had the actual ingredients for the cookies on her gravestone. And I was, like, ‘that’s amazing!'” pahayag ni Rosie Grant, may-ari ng naturang TikTok video.

“What is this? What is this recipe? What does this taste like? I was so curious,” dagdag pa niya. RNT/JGC