Pambansang wika palaging ipagmalaki, ‘di lang tuwing Agosto–Padilla

Pambansang wika palaging ipagmalaki, ‘di lang tuwing Agosto–Padilla

August 1, 2022 @ 8:55 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dapat ibinibida at ginagamit nating mga Pilipino ang ating pambansang wika hindi lang sa Agosto kundi sa buong taon.

Iginiit ito ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa bisperas ng pagsisimula ng Buwan ng Wikang Pambansa sa ika-1 ng Agosto.

“Ang pambansang wika ay para sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, dapat bida ang wikang Filipino sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi lang sa Agosto,” ani Padilla, na sumusulong ng paggamit ng Filipino sa Senado.

“Mismong Saligang Batas ang nagsasabi na ang pambansang wika natin ay Filipino. Ayon sa Art. XIV, Sec. 6, Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas,” dagdag ng mambabatas.

Naghain si Padilla ng Senate Bill 228 na naglalayong isalin sa wikang Filipino ang mga opisyal na dokumento ng pamahalaan ng Pilipinas para maintindihan ito ng pangkaraniwang Pilipino.

Sa ilalim ng panukalang batas, magiging opisyal na wika ang Filipino at Ingles sa lahat na opisyal na dokumento, kasama ang:

* Executive issuances tulad ng implementing rules and regulations of acts, executive orders, proclamations, administrative orders, memorandum circulars and memorandum orders;

* Legislative documents tulad ng acts, bills, rules of procedures, resolutions, journals, and committee reports;

* Judicial Issuances and Proceedings tulad ng “decisions, resolutions, rules and other issuances of the Supreme Court and lower courts”;

* International Treaties

* Public Advisories

* Publication of Acts

Ernie Reyes