PAMBATASANG BALAKIN SA PAGPASOK NG NEXT ADMIN ISUSULONG NG PDP LABAN, ROMUALDEZ

PAMBATASANG BALAKIN SA PAGPASOK NG NEXT ADMIN ISUSULONG NG PDP LABAN, ROMUALDEZ

May 21, 2022 @ 5:07 PM 1 month ago


Tinugunan ni House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga katanungan mula sa mga miyembro ng media sa isang ambush interview matapos ang pananghaliang pakikipagpulong ng mga bagong halal na kinatawan ng PDP Laban sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City.

Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Bulacan Rep. Rida Robes, Surigao Del Sur Rep. Johhny Pimentel, Reggie Velasco at Pampanga Rep Aurelio Gonzales.

Sinabi ni Rep. Robes na ang PDP ay umaasa na makatrabaho si Romualdez na siyang nalalapit na maging House Speaker sa 19th Congress upang maisagawa ang pambatasang balakin sa pagpasok ng administrasyon ni presumptive President  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.