Pambato ng Cebu, gold sa Yale

Pambato ng Cebu, gold sa Yale

November 20, 2022 @ 1:49 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakasungkit ng gold medal si Katareena Roska, isang homegrown na Cebuana na ngayo’y nakatira sa Los Angeles, matapos mangibabaw kontra sa 1,500+ na delegado mula sa mahigit 65 bansa at magtapos na ikapito na overall sa katatapos na World Scholar’s ​​Cup Tournament of Champions sa Yale University sa Connecticut USA.

Naging madali lang parakay Roska ang taunang festival of learning dahil dumaan siya sa serye ng nakakapagod na round na isinagawa sa Los Angeles, Europe, Africa at Asia sa loob ng taon upang piliin ang pinakamahuhusay na iskolar mula sa mga kalahok na paaralan.

Bukod sa pagtapos sa ikapito, humakot ng gintong medalya ang ipinagmamalaking Bisaya sa debate, team challenge at team super quiz.

Ngunit ang isang parangal na ipinagmamalaki niya ay ang kanyang cool fifth place finish overall sa creative writing habang siya ay regular na nagsusulat ng isang sports piece sa Philboxing at Sports.ph

Kagaya ng ating Gilas Pilipinas Basketball team, isinisigaw din ni Roska ang katagang “Para sa Pilipinas. Para sa Pamilya…Puso!”JC