Pambato ng Cebu wagi sa Bb. Pilipinas International; Harlene, 1st runner up!

Pambato ng Cebu wagi sa Bb. Pilipinas International; Harlene, 1st runner up!

August 1, 2022 @ 7:51 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Si Nicole Borromeo ng Cebu ang bagong Binibining Pilipinas International!

Sa Q&A portion, sinagot niya ang tanong na: “On a scale of 1 to 10, how would you rate yourself as a responsible Filipino citizen and why?”

“As a responsible Filipino citizen, I’d like to give myself a good 8 because I know that there’s always room to improve. There’s so much I don’t know but there’s so much I’m willing to learn and I hope to do that with you,” aniya.

Samantala, tinanghal naman na first runner-up si Herlene Budol sa katatapos lang na Binibining Pilipinas nitong Linggo ng gabi.

Bukod sa nasabing puwesto, humakot din si Herlene ng limang special awards.

Kabilang dito ay ang Jag Denims, Kumu, Pizza Hut, World Balance at isa pa.

Sa umpisa pa lang ng pageant ay may statement na si Herlene na umani ng palakpak mula sa audience.

Ayon sa kinatawan ng Angono, “Walang kulay ang makakapagbuklod sa atin. Tayo ay may kulay kayumanggi, isang lahi.”

Pinalakpakan din ang sagot niya sa Q & A segment kung saan ang tanong ng napili niyang judge ay kung anong transpormasyon ang nangyari sa kanya sa pagsali sa pagent.

Ani Herlene, itinuturing niyang karangalan ang tumuntong sa Binibining Pilipinas.

Sa tulad daw niyang lumaki sa hirap ay masarap mangarap.

Bago niya tinapos ang kanyang sagot ay bahagyang gumamit ng Ingles si Herlene.

Aniya, “I believe that I am beautiful…that I am uniquely beautiful with a mission.”

Nauna rito, nagpahayag si Herlene na nais niyang masungkit ang Miss Grand International.

Bagama’t first runner-up lang ang puwesto niya, no doubt that Herlene put up a good fight.

Nasa audience ang manager niyang si Wilbert Tolentino na nagdarasal habang inaanunsyo ang mga special awardees.

Congrats, Herlene!

Tinanghal naman na 2nd runner-up si Ms. Cainta Gabriel Basiano, Ms. Grand International si Roberta Tamondong, Bb. Pilipinas Globe si Chelsea Fernandez, Bb. Pilipinas Intercontinental si Ms. Stacey Gabriel at Bb. Pilipinas International si Ms. Nicole Borromeo. RNT/Ronnie Carrasco III