Pambato ng Pilipinas sa Man of the World 2018, first runner-up!

Pambato ng Pilipinas sa Man of the World 2018, first runner-up!

July 16, 2018 @ 8:33 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pumuwesto ang pambato ng Pilipinas na si Clint Karkliñs Peralta, half-Pinoy model mula Naga City,  bilang first runner-up sa ginanap na international Man of the World 2018 pageant sa San Juan City nitong Biyernes (July 13).

Nakamit ni Peralta ang first runner-up habang nasungkit naman ng pambato ng Vietnam na si Xuan Tai ang titolo sa lumahok na 26 contestants.

Man of the World 2018 Xuan Tai, always has a big smile towards everyone he meets.The 1st day he arrived here in the…

Posted by Joy Arguil on Saturday, July 14, 2018

Nang tanungin kung bakit siya ang karapat-dapat na tanghalin bilang Man of the World sa final Q&A round, sinabi ni Peralta na mayroon siyang “integrity,” “compassion,” at “commitment” na maari niyang gamitin upang makapanghikayat ng pagbabago sa mga tao at “to empower society.” 

Samantala, si Tai, umaming hindi bihasa sa English, ay nagsabing mayroon siyang natatanging pagmamahal sa kaniyang bansa at gusto niya itong ibahagi sa buong mundo.

Ang iba pang kasama sa top 5 ay sina Bjorn Camilleri (2nd runner-up) ng Malta, Ondrej Valenta (3rd runner-up) ng Czech Republic, at Natapol Srisarn (4th runner-up) ng Thailand.

Nakasentro ang pageant na Man of the World sa temang “Masculinity with a responsibility,” kung saan nararapat na nagtataglay nito ang may hawak ng korona at ‘featured five torches that symbolized passion and knowledge’, ayon sa ulat mula sa pageant website na Missosology. (Remate News Team)