Pamilya Marcos, titira sa Bahay Pangarap — envoy

Pamilya Marcos, titira sa Bahay Pangarap — envoy

July 1, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinili ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bahay Pangarap bilang official residence nito.

“I think, from what I’ve told, the First Family will be staying in the Pangarap which is on the other side of the Palace. It’s been renovated right now, in the meantime they’re still staying in another place but Mrs. Marcos has always stayed in her own place all these years… I’m talking about Mrs. Imelda Marcos,” ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Si Romualdez ay kamag-anak ni Pangulong Marcos.

Ang Bahay Pangarap ay matatagpuan sa loob ng  Malacañang Park,  nasa opposite side o kabilang bahagi ng  Pasig River na nakaharap sa  presidential palace.

Ginagamit ang complex  nito sa recreational retreat ng mga dating Pangulo ng bansa, unang ipinakilala noong panahon ng namayapang Pangulo Manuel Quezon taong 1936.

Sa oras ng kanilang trabaho, sina  dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Benigno Aquino III ay tumira sa  Bahay Pangarap.

Samantala, kumpiyansa naman si Romualdez na si Pangulong Marcos ay “extremely well” na pamunuan ang bansa sa loob ng susunod na anim na taon.

“I’ve always seen him to be an extremely intelligent person, very perceptive and very astute and now more than ever, I can see that he really sees how he will run the presidency,” ayon kay Romualdez .

“I think that he will do extremely well because he’s highly motivated by 31 million people [who voted for him] and he would really likely be able to make a mark in the country’s future,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose