Pamilya ng Bulacan rescuers binigyan ng P10M, pangkabuhayan ni Ramon Ang

Pamilya ng Bulacan rescuers binigyan ng P10M, pangkabuhayan ni Ramon Ang

October 18, 2022 @ 8:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatanggap ang naiwang pamilya ng limang magigiting na bayaning Bulacan rescuers ng P10 milyon mula sa pangulo at CEO ng San Miguel Corporation (SMC) na si Ramon Ang.

Ayon sa SMC, bukod sa ibinigay na tig-P2 milyon sa mga pamilya ng mga nasawing sina Troy Agustin, George Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion, at Narciso Calayag Jr., nag-alok din si Ang sa pamilya ng business start-up packages.

“I join fellow Filipinos in thanking our brave rescuers for their heroism. My hope is that their families will get to see how much we all appreciate them,” ani Ang. “They inspire us to do selfless deeds in our everyday lives. Their ultimate sacrifice in the line of duty will not be forgotten.”

Matatandaang nasawi ang mga rescuer sa flash flood sa Barangay Camias sa San Miguel, Bulacan. RNT