Pamilya ng Bulacan rescuers inayudahan ng Ayala foundation

Pamilya ng Bulacan rescuers inayudahan ng Ayala foundation

October 7, 2022 @ 8:16 AM 2 months ago


MANILA — Nakatanggap ang mga kaanak ng limang magigiting na rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng tulong pinansyal mula sa Ayala Foundation, bilang pagkilala sa kanilang buong-pusong serbisyo nang manalasa ang super typhoon Karding.

Binawian ng buhay habang rumiresponde ang limang rescuers — George Agustin, 45; Troy Justin Agustin, 30; Marby Bartolome, 37; Narciso Calayag Jr., 33; at Jerson Resurreccion, 33 — nang humagupit ang super typhoon noong nakaraang linggo.

Nagbigay-pugay si DSWD Secretary Erwin Tulfo sa mga namayapang rescuer at kanilang mga kaanak sa isang maiksing programa kasama sina Ayala Foundation President Ruel Maranan at Ayala Corporation Managing Director General Emmanuel Bautista (Ret.) nitong umaga.

Nakatanggap ang mga kaanak ng limang magigiting na rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng tulong pinansyal mula sa Ayala Foundation, bilang pagkilala sa kanilang buong-pusong serbisyo nang manalasa ang super typhoon Karding.

“During calamities, we feel safer because there are people whom we call rescuers and first responders. Sila po iyong mga kamag-anak ninyo,” ani Tulfo. “They are the first responders. They responded to the call of duty. They did not waste their lives. Rather, they gave it to make sure that the people of Bulacan are safe during that very moment.”

“Nagbibigay-pugay po kami sa inyong mga kapamilya sa kanilang ginawang pagbubuwis ng kanilang buhay sa pagtulong sa kanilang mga kapwa,” ani Maranan. “Ang kanilang kabayanihan ang nagbibigay buhay at inspirasyon upang patuloy na makatulong sa marami pang nangangailangan.”

Maagap na nagsagawa ng relief operations ang #BrigadangAyala ng Ayala Group of Companies sa iba’t ibang bahagi ng Luzon matapos humagupit ang super typhoon Karding.

Dalawang libong rice packs ang ibinahagi ng grupo sa Maynila at Quezon City, at 2,000 food packs naman ang inilaan para sa Pampanga at Zambales. Sa tulong ng BPI Foundation, ACEN, at Manila Water Foundation, nakapagpaabot din ang #BrigadangAyala ng food packs, health kits, at inuming tubig sa mga pinaka-apektadong probinsya. Ang rice at food packs ay inihatid gamit ang trucks ng Makati Development Corporation.

“We’d like to thank Ayala Foundation for always being there in times of crisis. Ang Ayala Foundation po ay nariyan at ka-partner po ng pamahalaan sa pagtulong sa tuwing mayroong sakuna at crisis ang ating bayan,” pagkukwento ni Tulfo. “Ayala has been a partner of DSWD for a long, long time. We don’t have to call them. They come. Alam namin na kasunod na namin sila.” RNT