Pamilya ng mga napatay na sundalo sa CDO shooting, tutulungan ng PH Army

Pamilya ng mga napatay na sundalo sa CDO shooting, tutulungan ng PH Army

February 15, 2023 @ 2:57 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ng agarang tulong ang Philippine Army (PA) sa pamilya ng mga sundalong napatay sa nangyaring shooting incident sa 4th Infantry Division headquarters sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro City.

“The families of the victims will receive immediate financial, burial, and psycho-social assistance from the PA to help them overcome this trying time, ” pahayag ni Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad.

Bago rito, nauna nang siniguro ni PA chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang tulong na ibibigay sa pamilya ng mga sundalo na napatay sa nangyaring insidente, kasabay ng pagbisita niya sa naturang headquarters nitong Lunes, Pebrero 13.

“The PA condoles with the bereaved families of victims of this tragic incident. We ensure that their families will be properly taken care of. We will assist them in the processing of their legal claims and benefits,” dagdag niya.

Binisita rin ni Brawner ang sugatang sundalo na ngayon ay nasa stable condition na at nagpapagaling sa Camp Evangelista Station Hospital.

“The Army leadership has launched its internal investigation to identify factors that triggered the incident. The probe is also geared at identifying possible gaps in the recruitment and training process with the end goal of preventing similar incidents in the future,” sinabi ni Trinidad.

Noong Sabado, Pebrero 11, ay nagpaulan ng bala sa mga kasamahang sundalo ang isa pang sundalo habang natutulog ang mga ito sa kwarto ng
4ID Service Support Battalion.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng limang sundalo kabilang na ang may gawa nito. RNT/JGC