Pamilya ng pinaslang na Basilan mayor, umapela kay Digong

Pamilya ng pinaslang na Basilan mayor, umapela kay Digong

December 10, 2021 @ 10:35 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Humihingi ng tulong at hustisya ang pamilya ng pinaslang na si Albarka, Basilan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Tinatawagan namin si PRRD, si Sara Duterte at mga AFP and PNP to investigate ang pagpatay sa father namin ,” ani  Jaydeefar Lajid, anak ng pinaslang na si Albarka mayor Darussalam Lajid.

Sa pinakabagong development sa kaso, bumuo na ang awtoridad ng Special Task Group at mayroon na rin silang person of interest sa kaso.

Sinisilip din nila ang anggulong personal na galit o rido, maging ang pagiging politically motivated ng krimen.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Dr. Midzfar Lajid, anak din ng biktima, ang mga ulat na walang dahilan o official business ang kanyang ama para pumunta sa  Zamboanga City.

“Dumaan lang yun papa ko doon kasi pupunta sila sa Davao dahil may meeting sila pati si Mayor Sara Duterte. Si Mayor Sara ang nagpapunta sa kanila doon, “ ani Midzfar.

Ayon sa magkapatid, kilala nila kung sino ang mastermind ng ambush pero hindi nila ito pinangalanan.

Matatandaang kasamang nasawi ng biktima ang driver-escort Barrad Nuruddin sa ambush noong Lunes, Disyembre 6, habang sugatan din ang isa pang alaklde sa Basilan na si Mayor Ali Awal Sali ng Akbar. RNT