Marcos suportado ni Hontiveros sa pagpapabilis ng administrasyon ng COVID booster shots sa mga stude

August 8, 2022 @4:28 PM
Views:
2
MANILA, Philippines- Sinuportahan ni Senador Risa Hontiveros ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na paghusayin ang kampanya sa COVIDF-19 booster shots sa estudyante bilang preparasyon sa pagbubukas ng school year 2022 – 2023 sa Agosto 22.
Bilang isang magulang, ayon kay Hontiveros sa panayam, mahalaga ang pagpapaigting ng administrasyon sa booster shots upang maprotektahan ang mag-aaral.
“Speaking as a parent, I really hope most, if not all students and with their parents’ permission or support will get boosted,” ayon kay Hontiveros.
“Lagi naman akong naniniwala sa pagrespeto sa kalayaang pumili at magdesisyon ang bawat tao at ang bawat magulang para sa anak naming menor de edad,” dagdag niya.
“I really call on our authorities led by the Department of Health, and in this case in partnership with DepEd at CHEd, para paigtingin at pagalingin ang public education campaign to convince students and their parents to get boosted.”
Naunang inihayag ni Marcos sa kanyang vlog sa Facebook na lubhang nakakabahala ang malaking agwat sa administrasyon at una at ikalawang booster shotsa ban sa dahil umabot na sa 15.9 milyon ang nakakuha ng unang booster at 1.2 milyon lamang ang ikalawa.
“This is not a good number compared to our target of 100%, that is why we are appealing to our LGUs to become aggressive in their vaccination drive campaign,” ayon sa pangulo.
Naunang naghain si Hontiveros ng isang resolusyon upang paimbestigahan ang hindi nagamit at napasong bakuna vs COVID1-9 na tinatayang aabot sa P5 bilyon hanggang P13 bilyon.
Aniya, isasagawa ang imbestigasyon sa mas lalong madaling panahon dahil katumbas ng naturang halaga ang 4 milyon hanggang 27 milyong doses na nasayang.
“Kailangan tingnan from city to city, what are the drivers of this wastage. Ano ba ang sanhi ng problema? Ito ba ay oversupply? Ito ba ay pagkukulang o pagkakamali sa vaccine management process from procurement to deployment of vaccinators and the provision of services?” she said. “And especially moving forward, ano ang mabibisang interventions na magagawa ng executive para hindi na maulit, mabawasan at ma-eliminate na ang wastage?” Ernie Reyes
Suarez wagi vs Yap sa WBA title bout

August 8, 2022 @4:22 PM
Views:
12
MANILA, Philippines – Nagwagi si Filipino Olympic boxer Charly Suarez upang idepensa ang kanyang hawak na WBA Asia superfeatherweight crown kontra sa kababayang si Mark John Yap.
Nanalo si Suareza via unanimous decision kontra kay Yap sa labang ginanap sa lungsod ng Paranaque.
Bumoto ang mga hurado pabor kay Suarez sa iskor na 120-108; 120-108 at 118-110.
Naipakita ni Yap ang kanyang veterans moves subalit hindi pa rin natinag si Suarez at nakontrol ang laban.
Ayon sa 33-anyos na si Suarez, isang aral ang laban niya kay Yap.
Dahil sa panalo, napanatili ni Suarez na malinis ang kanyang record sa 12 panalo habang si Yap lumagapk sa 30-18.RICO NAVARRO
DOLE, TESDA tutulong sa quake-hit areas

August 8, 2022 @4:14 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Nakikipagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para tulungan ang mga lugar na tinamaan ng magnitude-7 na lindol sa Northern Luzon noong Hulyo 7.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na maglalabas ng joint memorandum circular (JMC) sa training-cum-production at emergency employment program ng DOLE at TESDA.
Ang proyekto ay ipatutupad sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng pambansang pamahalaan at mga local government units, dagdag niya.
“It will assist severly affected areas in Northern Luzon, specifically CAR and Region I to rehabilitate the infrastructure, shelter, and cultural heritage of devastated communities, and implement emergency employment programs in affected communities to jumpstart their lives towards eventual normalcy,” sabi ni Laguesma.
Aniya, ang proyekto ay naglalayon na bumuo ng isang pool ng mga construction worker na tatapik sa mga LGU sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga nasirang pasilidad at installation.
Sinabi ni Laguesma na hindi bababa sa 40 batch ng 25 trainees mula sa pinakamahirap na naapektuhang mga munisipalidad sa Abra, Ilocos Sur, at Benquet ang magpapatakbo ng pilot na pagpapatupad ng proyekto.
“This will develop their skills and competencies on the areas of carpentry, masonry, electrical wiring and plumbing,” dagdag pa ni Laguesma.
Batay sa JMC, ang TESDA ay magbibigay ng pagsasanay sa kasanayan sa pamamagitan ng training centers nito at mga registered mobile programs , magbibigay ng mga tagapagsanay para sa bawat tinukoy na kwalipikasyon, magdidisenyo ng mga panandaliang programa sa mga kritikal na kakayahan para sa bawat isa sa mga natukoy na lugar ng kwalipikasyon.
Ang TESDA ay tutustos din sa mga unang yugto ng skills training programa, direktang makikipag-ugnayan sa mga LGU sa mga proyektong maaaring gawin gamit ang pamamaraan ng pagsasanay-cum-production at makikilos ng mga kasosyo upang tumulong sa programa.
Sa kabilang dako, ang. DOLE ay tutulong na matukoy ang mga benepisyaryo ng programa SA pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged workers (TUPAD) sa pagbibigay ng emergency employment for graduates ng skills training lalo na ang proyektona tutukuyin ng LGUs.
Magbibigay din ng tulong ang DOLE sa mga pamilya ng mga benepisyaryo at maipatupad ang mga proyektong pangkabuhayan upang mapadali ang trabaho para sa mga taong lumikas at walang trabaho sa loob ng lugar ng proyekto at pakilusin ang sektor ng konstruksiyon upang tumulong sa programa.
Sinimulan na ng DOLE regional offices sa CAR at Ilocos ang pagkilala at profile ng mga benepisyaryo ng special training program. Jocelyn Tabangcura-Domenden
8-time Brazilian jiu-jitsu world champ binaril, patay

August 8, 2022 @4:06 PM
Views:
13
MANILA, Philippines – Hindi na umabot sa pagamutan at idineklarang brain dead si Brazilian jiu-jitsu great Leandro Lo, isang walong beses na kampeon sa mundo, matapos siyang barilin sa isang Sao Paulo club noong linggo ng gabi.
Ang 33-anyos na martial arts champ ay nasa labas kasama ang mga kaibigan para sa isang event sa Clube Siria, isang sports at social club sa pinakamalaking lungsod ng Brazil, nang may isang estranghero na lumapit sa kanilang mesa at nagsimulang gumawa ng mga pananakot gamit ang isang bote, ayon sa ulat.
Si Lo, na nanalo ng International Brazilian Jiu-Jitsu Federation (IBJJF) world titles sa limang magkakaibang weight classes mula 2012 hanggang 2022—isang all-time record—ay nag-pin sa lalaki sa lupa “upang itigil ang sitwasyon at maiwasan ang away,” sabi ni Siqueira .
Sinabi niya na tinulungan ng mga kaibigan ni Lo ang dalawang lalaki na tumayo at hinimok ang estranghero na huminahon at umalis.
“Sa mismong sandaling iyon, tumalikod umano ang lalaki, bumunot ng baril at binaril si Leandro sa ulo,” ayon pa sa source.
Ang jiu-jitsu champ ay isinugod sa ospital, ngunit idineklara itong brain-dead, aniya.
“Ang kanyang kondisyon ay hindi na mapabuti. Naghihintay lamang sila sa ilang mga bureaucratic na bagay upang kumpirmahin [ang kanyang pagkamatay], ngunit malabo na umano nitong mabuhay, ayon naman sa insider.
Natukoy na ng mga awtoridad ang bumaril at pinaghahanap na ito, aniya.
Nagkaroon ng pagbuhos ng pakikiramay mula sa mga tagahanga ng jiu-jitsu sa social media.JC
SB member na wanted sa estafa, nalambat!

August 8, 2022 @4:00 PM
Views:
17