Pamilya ni Lapid, middleman poprotektahan ng PNP

Pamilya ni Lapid, middleman poprotektahan ng PNP

October 26, 2022 @ 10:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nangako si Gen. Rodolfo Azurin, Jr., hepe Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Oktubre 25 na iingatan at poprotektahan niya ang pamilya ng napatay na mamamahayag na si Percival Mabasa kabilang na ang pamilya ng middleman sa kasong ito.

Dahil dito ay nagpalabas na ng kautusan si Azurin ng deployment ng mga pulis upang ingatan ang pamilya ni Lapid at ni Crisanto Villamor, inmate ng New Bilibid Prison na namatay sa kaparehong araw nang ikanta ng self-confessed gunman na si Joel Escorial, na ito ay “middleman” sa pagpatay sa broadcaster.

“Investigation is also ongoing to determine where these threats are coming from,” sabi ni Azurin.

Aniya, posibleng sangkot din sa pagpatay kay Lapid ang mga nagpapadala ng death threat sa dalawang pamilya.

Samantala, inutusan na ni Azurin ang Southern Polcie District na makipag-ugnayan sa pamilya ni Mabasa upang pag-usapan ang seguridad na gagawin para sa kanila.

Kaparehong aksyon din ang inatas niya sa nakasasakop na regional director para sa pamilya ni Villamor. RNT/JGC