Pamilya ni Zulueta pina-contact ni Remulla sa NBI

Pamilya ni Zulueta pina-contact ni Remulla sa NBI

November 24, 2022 @ 1:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na inihirit niya sa National Bureau of Investigation na makipag-ugnayan sa pamilya ni Bureau of Corrections (BuCor) Senior Superintendent Ricardo Zulueta sa gitna ng katahimikan nito.

“Yes, I’m asking the NBI to contact his family, so that they can know his whereabouts,” paglalahad ni Remulla sa ambush interview nang tanungin ukol sa mga hakbang na isinasagawa upang matunton si Zulueta.

Si Zulueta, isa sa itinuturong masterminds sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid aat umano’u middleman na si Jun Villamor, ay sinasabing nagtago mula pagpasok ng Nobyembre.

Naghain ang Philippine National Police at ang National Bureau of Investigation ng dalawang murder complaints laban sa kanya at kay suspended BuCor chief Gerald Bantag.

Subalit, kapwa hindi dumalo sina Zulueta at kanyang legal representative sa unang preliminary investigation ng kaso sa Department of Justice nitong Miyerkules.

Nang tanungin naman ukol sa pagbubukas ng preliminary investigation sa publiko, sinabi ni Remulla na mayroon pa ring privacy rights ang mga respondent.

“Kasi may presumption of innocence. ‘Pag ginawa natin ‘yan parang tayo nagko-condemn ng tao kaagad. We don’t really want to make a spectacle of that proceeding,” aniya.

Nakatakda ang sunod na hearing sa Lapid case sa Disyembre 5. RNT/SA