Pamilya Veloso kay PBBM: Executive clemency para kay Mary Jane ihirit kay Widodo

Pamilya Veloso kay PBBM: Executive clemency para kay Mary Jane ihirit kay Widodo

September 4, 2022 @ 1:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihihirit ng pamilya ni Mary Jane Veloso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapakiusapan nito si Indonesian President Joko Widodo at iapela ang executive clemency para sa kanilang anak na nasa death row.

Matatandaang sinabi ng Department of Foreign Affairs na isa sa posibleng isyu na matalakay ni Marcos kay Widodo ay ang sitwasyon ni Veloso.

Kaya naman umaasa ang mag-asawang Cesar at Celia Veloso na sakaling mahiling ni Marcos ang pagpapalaya sa kanilang anak.

“Nakikiusap po kami sa inyo Mahal na Pangulo na humiling ng executive clemency kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia para palayain na si Mary Jane Veloso. Mahigit na po na labing dalawang (12) taon siya sa piitan at nakawalay sa kaniyang dalawang anak,” ayon sa mag-asawa.

Matatandaang nakulong si Veloso sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Itinanggi niya ang alegasyon at iginiit na nilinlang siya ng kaniyang recruiter para dalhin ang ng suitcase na may lamang ilegal na droga.

2015 nang parurusahan sa pamamagitn ng firing squad si Veloso pero hindi ito itinuloy matapos ang apela ng noo’y Presidente na si Benigno Aquino III. RNT