Pamilyang Manilenyo makatatanggap ng Christmas boxes

Pamilyang Manilenyo makatatanggap ng Christmas boxes

November 24, 2022 @ 12:57 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – TARGET ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na masimulan na ang pamamahagi ng mga Christmas boxes sa bawat pamilyang Manilenyo sa unang araw ng Disyembre.

Ito ang ibinahagi ni Mayor’s Communication Office Chief Atty. Princess Abante kung saan prayoridad umano na mabigyan ng Christmas boxes ang bawat pamilya at mga senior citizen sa lungsod ng Maynila.

Nabatid na ang nasabing proyekto ay inisyatibo ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at ng pamahalaang lokal upang kahit paano ay maging “Merry” ang Pasko ng bawat pamilyang Manileño.

Bukod aniya dito, tulong na rin umano ito sa mga residente sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin, gaya ng pang-Noche Buena.

Ang bawat barangay ay mayroon nang listahan ng mga makatatanggap ng Christmas boxes.

Napag-alaman na sa mga susunod na araw ay ilalabas ng Manila LGU kung ano-ano ang mga laman ng Christmas boxes. JAY Reyes