PRC sa publiko: Magkaroon ng kaalaman sa first aid

PRC sa publiko: Magkaroon ng kaalaman sa first aid

July 16, 2022 @ 3:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang Pilipino na magkaroon ng kahit isang trained first aider sa kanilang tahanan.

Ayon sa PRC, nangyaring mangyari ang aksidente sa loob ng bahay at ang presensya ng trained first aider ay makasiguro na makakatugon agad upang maibsan ang epekto ng anumang aksidente.

Kasama sa first aid training course ng PRC ang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), ang emergency lifesaving procedure na ginagawa sa pasyente na huminto ang pagtibok ng puso.

Sa pagsasaliksik, pinapakita na ang pasyenteng na-cardiac arrest na binigyan ng CPR sa pre-hospital settings ay malaki ang tyansa ng survival.

Magsasagawa ang PRC ng public awareness activities para turuan ang mga Pilipino tungkol sa kahalagahan ng CPR, dahil ang cardiovascular disease ay isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2021.

Isa sa mga aktibidad ay ang pagsulong ng first-aid app ng PRC. Nagbibigay ang app ng mga tagubilin sa pangunang lunas sa mga taong nakasaksi ng emergency sa kalusugan at may link para sa pagtawag sa emergency hotline ng PRC, Red Cross 143.

Noong Hulyo 13, 2022, nagsanay ang PRC ng 50,929 na first aider sa buong bansa.

Ang Philippine Red Cross ay nagbibigay ng mga sumusunod na first aid training courses na kinikilala ng DOLE: (1) Standard First Aid Training at Basic Life Support/CPR – AED Training, (2) Occupational First Aid Training at Basic Life Support/CPR – AED Pagsasanay, at (3) Emergency First Aid Training.

Para sa mga interesadong kumuha ng first aid training course kasama ang Philippine Red Cross, maaari silang tawagan sa mga sumusunod na contact number: (02) 8790-2365 / 8790-2366 o sa pamamagitan ng kanilang email address, [email protected] ph. Upang i-download ang PRC First Aid app, pumunta sa Google Play o App Store at hanapin ang “IFRC First Aid.” Jocelyn Tabangcura-Domenden