Pamimirata record-high sa pandemya – IPOPHL

Pamimirata record-high sa pandemya – IPOPHL

March 5, 2021 @ 1:04 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bukod sa pagtaas ng kaso ng mga indibidwal na nagkakasakit dahil sa COVID-19 ay tumaas din ang nangyaring pamimirata ng mga intellectual property rights noong 2020.

Sa katunayan at record-high ito dahil nahigitan pa nitong 2020 ang pinagsamang insidente ng sumbong na pamimirata mula 2013 hanggang 2019.

Sa isang pagdinig sa Kamara nitong Marso 4, Huwebes, sinabi ni Intellectual Property Office of the Philippine (IPOPHL) Assistant Director Ann Edillon sa mga mababatas na nakatanggap sila ng 190 ulat ukol sa pamimirata at counterfeiting noong 2020.

Sobrang dami nito kumpara sa 146 na pinagsama-sama na inulat sa IPOPHL mula 2013 hanggang 2019.

“We attribute it partially of course to the fact that because of COVID[-19], everything has gone online,” ani Edillon, na pinuno ng IPOPHL’s enforcement office.

Ang mga reklamo ay mula mismo sa mga konsyumer, concerned citizens, at mga hindi nagpakilalang informant, aniya pa.

Sa naiulat na reklamo noong 2020, 57 dito ang may kinalaman sa pamimirata, habang 67 sa pandaraya sa mga produkto.

 

“Almost 90 percent of all reports concerned online infringement, online counterfeiting and online piracy,” dagdag pa niya.

“So it reflects, really, the shift to the online space,” ani Edillon.

“Since it is quarantine, people are at home, [you] have to find ways to entertain yourself from the confines of your home.”

Sa kabila ng mga ulat na ito, ani Edillon na walang nagsumite ng pormal na reklamo sa IPOPHL mula sa mga may-ari sa

“We don’t have police powers in that regard to actually enforce on our own, so we refer our report to the rights owners, then the rights owners wouuld have to initiate the case…We can’t really act until and unless the rights holder files a complaint,” aniya pa.

“We find [it], sayang (regretful), because under the guidelines, we can actually undertake take down and blocking in coordination or in relation with the powers of the NTC (National Telecommunications Comission),” aniya patungkol sa memorandum of understanding na pinirmahan nila sa pagitan ng state telecommunications regulator.

Kasalukuyang nag-iimbestiga ang House Committee on Creative Industry and Performing Arts, in aid of legislation, sa mga ulat na pamimirata sa MMFF 2020.

“We fully support any endeavor, any movement, to address piracy concerning MMFF films, especially concerning Filipino films in general ’cause we recognize that our film makers, local actors, and even the small players, like our gaffers, they’re much affected by whatever piracy is happening, especially of Filipino films,” giit pa ni Edillon. RNT


  •  
  •  
  •