Pampanga hotel staff nagbalik ng napulot na P130K

Pampanga hotel staff nagbalik ng napulot na P130K

January 20, 2022 @ 9:25 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nagbalik ng natagpuang P130,000 ang isang hotel staff sa Mexico, Pampanga.

Kinilala ang honest staff na si Arjay Montemayor kung saan sabi niya na hindi siya nagdalawang isip na ibalik ang nakitang pera sa kanilang hotel.

“Kailangan natin gumawa pa rin ng mabuti para pagdating ng panahon, tayo’y mabigyan ng tagumpay ng nasa taas,” aniya pa.

Dahil dito, binigyan naman ng may-ari ng pera si Montemayor ng pabuya sa magandang ipinamalas.

Bukod pa rito, nakatakdang i-promote ng hotel management si Montemayor. RNT