Pampanga #WalangPasok mula Enero 17-21, 2022

Pampanga #WalangPasok mula Enero 17-21, 2022

January 15, 2022 @ 4:16 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Education Schools Division Office (DepEd SDO) sa Pampanga, araw ng Sabado ang kanselasyon ng mga klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong eskuwelahan sa lalawigan mula Enero 17 hanggang 21, 2022.

Ang DepEd SDO sa Twitter ay nagpahayag na ang nasabing hakbang ay ginawa “to allow for health break and recuperation of our teachers and learners amid the surge of flu and Covid-19.”

“Private schools, in consultation with their respective parents’ associations, may exercise their own direction relative to the suspension of classes and K to 12 learning activities when Covid-19 risks in their respective areas are high,” dagdag na pahayag nito.

Ang iba pang local government units ay nauna nang nagdeklara ng kanselasyon ng klase para sa health break sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.

Kabilang sa mga LGUs ay ang Parañaque City, San Juan City, Pasay City, Marikina City, ay Maynila.