Pampasabog na ibinaon ng NPA, narekober

Pampasabog na ibinaon ng NPA, narekober

January 30, 2022 @ 3:20 PM 8 months ago


ISABELA- Narekober ng pinagsanib na pwersa ng San Mariano Police Station at Provincial Explosive Canine Unit (PECU) ang pampasabog na ibinaon sa luoa sa bahagi ng Barangay Disusuan, San Mariano dito sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Edgar Manuel, hepe ng San Mariano Police Station,  isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kapulisan na mayroon pampasabog na ibinaon ng mga CTGs sa may bukid ni Reynaldo Guttierez, Punong Barangay ng nasabing lugar.

Kung kayat agad na nagsagawa ng pagrekober ang pamunuan no PLt. Elias Mangoma, hepe ng PECU-Isabela.

Isang pirasong Hand Grenade HE fragmentation MK2 at isang pirasong Projectile 60 mm HE ang narekober na kalauna’y dinala sa Provincial Explosive Canine Unit (PECU) na nakahimpil sa  Isabela Police Provincial Office (IPPO), Brgy. Baligatan, Isabela para sa nararapat na dokumentasyon at disposiyon.

Kaugnay nito, pinasalamat ni PCol. Julio Go, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang mga residente na nagbibigay ng impormasyon sa kapulisan upang maagapan ang ano mang insidente at krimen para mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan. (REY VELASCO)