Pamumulitika sa mga refugee kinwestyon ng Santo Papa

Pamumulitika sa mga refugee kinwestyon ng Santo Papa

December 6, 2021 @ 6:32 AM 10 months ago


GREECE – Kinondena ni Pope Francis sa kanyang naging pagbisita sa Lesbos, Greece ang tila paggamit sa mga refugees o migrante sa pamomolitika.

Idinagdag rin niya na tila pumasok sa ‘era of walls and barbed wires’ ang Europa sa mga kasalukuyan nitong mga patakaran.

Sa kaniyang pag-iikot sa mga refugee camp, naaalala ng Santo Papa ang una niyang pagbisita noong 2016 sa Cyprus at Greece kabilang na ang Mavrovouni Camp na mayroong 2,300 katao.

Para sa kanya, tila wala o napakaliit ng pagbabago kaugnay ng isyu sa migration mula noong naging pagbisita niya limang taon na ang nakararaan.

Matatandaan na libo-libo na ang mga nasawing migrante habang sinusubukan nilang makatawid mula Africa patungong Europa.

“I am here to see your faces and look into your eyes. Eyes full of fear and expectancy, eyes that have seen violence and poverty, eyes streaked by too many tears,” sinabi ni Pope Francis kasabay ng pagbisita niya sa isang refugee camp.

Pinatutsadahan niya rin ang mga taong nasa likod ng paggamit sa mga ito para sa kanilang political propaganda.

“It is easy to stir up public opinion by instilling fear of others,” aniya.

“The remote causes should be attacked, not the poor people who pay the consequences and are even used for political propaganda,” dagdag pa ng Papa. RNT