Pamumuno ni PBBM ‘refreshing’ para sa US – Romualdez

Pamumuno ni PBBM ‘refreshing’ para sa US – Romualdez

January 27, 2023 @ 7:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakikita ng Estados Unidos na ‘refreshing’ ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez sa panayam ng ANC nitong Huwebes, Enero 26.

Matatandaan na bahagyang nanlamig ang relasyon ng dalawang bansa sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Well, they find it refreshing, to say the least,” ani Romualdez.

Sa ilang buwan pa lamang ng pamumuno ni Marcos, ilang aktibidad na ang isinagawa ng dalawang bansa kabilang ang pagdalaw at pakikipagkita ni US Vice President Kamala Harris kay Marcos noong Nobyembre at ang pakikipagkita rin ng Pangulo kay US President Joe Biden sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly noong Setyembre.

“I think that overall President Marcos has communicated to United States that we’re here, we are friends and we want to have good relations with you,” pagbabahagi pa ni Romualdez.

“But at the same time, we have our own policy, which is in every way we can be independent of any influence coming from any country,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Romualdez na inatasan siya ni Marcos na magsulong pa ng mas maraming economic activity sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

“His administration’s objective is to really have honest to goodness economic prosperity for the Philippines and to be able to achieve that, he sees foreign direct investments as one of the main arteries, so to speak, in bringing in more investments,” aniya.

Inaasahang bibisita ang Pangulo sa US ngayong taon para sa ikalawang Summit for Democracy and Asia-Pacific Economic Cooperation annual meeting. RNT/JGC