Pamumuno sa oposisyon ipinasa ni Leni kay Risa: Ikaw na ang aming lider

Pamumuno sa oposisyon ipinasa ni Leni kay Risa: Ikaw na ang aming lider

June 28, 2022 @ 11:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinirang ni outgoing Vice President Leni Robredo si Senador Risa Hontiveros bilang bagong lider ng oposisyon.

Si Hontiveros lang kasi ang tanging opposition candidate na nakalusot sa nakalipas na May 2022 Senate race.

Sa oath taking ceremony ni Hontiveros na isinagawa sa tanggapan ng pangalawang pangulo sa Quezon City, sinabi ni Robredo na “Ikaw na ang aming lider. Nasa likod mo lang kami, tutulong, kung kailan mo kami kailangan. You are now the highest elected official in the opposition.”

“Kampante kami na patuloy mong ipaglalaban kung ano ang mabuting pamamahala, naroon kami na sumusuporta sa iyo. Kami na ang mga sundalo mo,” dagdag na pahayag ni Robredo.

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Robredo ang senadora dahil sa pagtulong nito sa mga nangangailangan.

“Yung aking paghanga sa ‘yo ay lalo pang dumoble nung ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na humawak ng kapangyarihan, from being in Congress hanggang sa pagiging senator. Nagamit mo ‘yung posisyon para sa maging boses para sa mga pinakamaliliit,” aniya pa rin.

Si Hontiveros ay nagsilbi bilang Akbayan party-list representative sa Kongreso ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2010. Sumabak siya noong 2010 at 2013 elections bilang senador pero natalo.

Subalit noong 2016, nanalo na siyang senador at muling nahalal nitong May 2022.

“Lahat kami masaya na ikaw ‘yung natitirang humahawak ng ating bandila,” ayon kay Robredo.

Samantala, tiniyak naman ni Hontiveros na ipagpapatuloy niya ang kaniyang adbokasiya at paglaban sa fake news.

“We will help spur economic growth and restore healthcare services disrupted by the pandemic. As promised, we will facilitate and push for increase of budgets for agencies integral to our recovery initiatives. Tuloy pa rin ang ating adbokasiya para sa Healthy Buhay at Hanapbuhay,” ayon sa senadora.

“I remain an advocate in protecting our constitutional freedoms and our most basic human rights: freedom of expression, freedom of assembly, freedom of the press. All these are fully guaranteed,” aniya pa rin.

Ang babala naman ni Hontiveros ay “But we will not tolerate people who bear false information. We will fight back harder, against rumors, lies, propaganda, and fake news. Let me make this even clearer: this is a stern warning to all the dubious characters in the fake news universe: This time, we will not let your reckless disregard for truth slander our democracy—our country— ever again.”

Giit nito, mananatili silang matatag sa mabigat na laban na kakaharapin. Kris Jose