Panagbenga festival 2022 ‘di mapipigilan – Magalong

Panagbenga festival 2022 ‘di mapipigilan – Magalong

January 14, 2022 @ 8:47 AM 7 months ago


BAGUIO CITY – Hindi matitinag ng COVID-19 surge ang syudad dahil tuloy ang selebrasyon ng Panagbenga Festival, ayon kay Mayor Benjamin Magalong.

“Definitely, there would be a Panagbenga 2022. Napag-usapan namin with the Flower Festival Foundation that Panagbenga would be a low-key celebration due to the threat of the Omicron,” ani Magalong said in a phone interview.

Sa kabila nito, sinabi ni Magalong na low-key lang na kapistahan ang kanilang ikakasa bilang pag-iingat na rin sa pandemya.

Ang mga crowd-drawing event ay hindi muna ipapatupad, dagdag pa ni Magalong.

Matatandaang dinarayo sa nasabing kapistahan ang mga magagarbong float parades.

“There will be no street and float parades and the city will be concentrating on the remaining activities such as the landscaping events to continue with the tradition of the Baguio Flower Festival,” paglilinaw pa ng alkalde.

Sa kabilang banda, nakasalalay pa rin ang kapistahan sa sitwasyon ng COVID sa syudad, kung ikakasa bai to sa Pebrero o iuusog na sa Marso. RNT