PANAHON NG TAG-INIT MAGSISIMULA SA BUWAN NG MARSO HANGGANG MAYO

PANAHON NG TAG-INIT MAGSISIMULA SA BUWAN NG MARSO HANGGANG MAYO

February 14, 2022 @ 9:13 PM 4 months ago


ANG National Water Resources Board ay nagbigay ng alokasyon na 46 cubic meters kada segundo (cms) sa unang buwan ng taong 2022 sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System para sa mga konsesyunaryo nito, Manila Water at Maynilad.

Base sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 196.26 metro sa araw ng Pebrero 8, 2022, (8:00am), bahagyang bumaba ang water level sa Angat dam, pati na rin sa Ipo Dam nasa 98.61 mtrs, mas mababa sa maintaining level na 101 meters.

Ayon kay Dr. Sevillo David, Jr. Executive Director ng NWRB, kailangang simulan ang pagtitipid sa paggamit ng tubig lalo na magsisimula pa lang ang panahon ng tag-init.

Para sa buwan ng Pebrero 2022, ang water concessionaires ay may alokasyong 48 cubic meters kada segundo (cms); samantalang ang NIA ay binibigyan ng 20 cubic meters per second.

Maraming ahensya ng pamahalaan, maging ang mga pribadong  kompanya, ay boluntaryo nang hindi nagpa-pasok sa kani-kanilang opisina upang maglinis at mag-disinfect ng kanilang mga lugar. Tiyak na kakailanganin ang tubig dito, kung kaya’t hiniling ng MWSS na habang nasa Alert Level 2 ang ka-Maynilaan, manatili sa 48cms ang kanilang alokasyon.

Nauunawaan ito ng NWRB, lalo na sa buwan ng tag-init, mula tatlo hanggang limang beses naliligo ang maraming Filipino at mas madalas ngayon ang paggamit ng tubig upang makaiwas sa virus.

Sa bahagi ng NIA, ang posibleng paghingi nito ng karagdagang alokasyon ay pinag-uusapan na rin sa NWRB. Naniniwala si Dr. David na napakahalagang usapin ang anomang hiling sa karagdagang alokasyon dahil ang prayoridad ng NWRB ay water security hindi lamang para sa buwan ng Enero at Pebrero, kundi para sa mga susunod pang buwan. Batay sa projections ng PAGASA, maaaring bumaba hanggang sa 180 metro ang lebel ng Angat Dam sa Abril. Anumang pagbaba pa riyan ay kailangan nang bigyang prayoridad ang water needs sa NCR.