Panahon ng tag-ulan nagsimula na!

Panahon ng tag-ulan nagsimula na!

May 18, 2022 @ 5:58 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tag-ulan na!

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

Sa abiso, sinabi ng state weather bureau na pasok na sa criteria para sa pagsisimula ng rainy season ang kasalukuyang weather system na umiiral ngayon sa bansa.

“The presence of a frontal system and the occurrence of severe thunderstorms have brought widespread rains during the last five days in areas under Type I climate and other parts of the country. Moreover, southwesterly wind flow was also observed during the past few days. This satisfies the criteria of the start of the rainy season over the western sections of Luzon and Visayas,” saad ng PAGASA.

Dagdag nito, ang intermittent rain na sinamahan ng Southwest Monsoon, ay magsisimula nang makaapekto sa Metro Manila at kanlurang bahagi ng bansa.

Maaari ring makaranasa ng monsoon breaks na pwedeng tumagal ng ilang araw o linggo.

Samantala, maaari ring patuloy na makaapekto ang La Niña sa ilang bahagi ng bansa at mapataas ang above-normal rainfall conditions sa mga darating na buwan.

“Despite the ongoing COVID-19 pandemic, DOST-PAGASA will continue to monitor the day-to-day weather and long-term climate situation and provide updates when significant changes occur,” dagdag ng PAGASA. RNT/ JCM