Panakip butas lang si coach

Panakip butas lang si coach

February 22, 2022 @ 10:10 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Napag-alaman ng HULA WHOOPS na naghahanda na ang team na palitan ang kanilang pamosong head coach.

Isang Amerikano ang  papalit sa pwesto ng coach, pero mananatili pa rin sa team ang dating coach.

Ang drama factor dito, kunwari ang dating coach ay siya pa rin ang head coach ng koponan. Siya lang umano tatayo sa harap ng mga tao, pero  ang totoo ay panakip butas na lang ito.

Magiging robot na  lang ang local coach,kasi ang tunay na magiging head coach ay ang kanong kapalit nito.  Ang lahat na gagawin ng dating coach galing sa pagmamando ni new head coach.

Napanood na ito ng mga fans sa ibang team. Nakatayo ang robot na coach, tapos tatayo ang nagtatagong tunay na coach para bulungan yung  kunwaring coach

Kapag tumawag ng time out ang pekeng  coach, makikita ng mga manonood na ang kumakausap sa mga players ang nagtatagong head coach

Makikita na lang nakaupo ang panakip butas na head coach. Sana kung totoo na papalitan ang kasalukuyang coach ng team ay huwag itong pumayag sa magiging kalagayan niya.. Hula Whoops? Dwayne Rituel