Panalo ng Mapua vs San Beda, binawi; Gab Gamboa, ban for life

Panalo ng Mapua vs San Beda, binawi; Gab Gamboa, ban for life

October 1, 2022 @ 5:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binawi  ng NCAA ang unang panalo ng Mapua laban sa San Beda matapos matukoy ng liga na hindi kwalipikado si Gab Gamboa na maglaro sa NCAA Season 98.

Nalaman ng NCAA Management Committee na si Gamboa ay naka-enroll sa St. Clare College bago lumipat sa Mapua bago ang season.

Iniutos ni NCAA basketball commissioner Tonichi Pujante na i-ban si Gamboa for life sa liga. Nakabalik na si Gamboa sa St. Clare.q

Bumagsak ang Mapua sa 0-6, habang hawak ngayon ng San Beda ang 4-1 win-loss card.RICO NAVARRO