PAGTUTULUNGAN, PAGKAKAISA KAILANGAN

May 27, 2022 @7:15 PM
Views:
6
KUMPLETO na ang pamunuan sa buong bayan mula nasyunal hanggang lokal.
May Pangulo at Pangalawang Pangulo na habang ayos na rin lahat sa hanay ng mga senador at kongresman. kasama ang mga partylist. Sina gobernador, bokal, mayor at konsehal, ayos na rin.
Nanatili namang nakatayo ang mga kapitan at kagawad sa mga barangay, gayundin ang mga chairman at kagawad sa parte ng Sangguniang Kabataan.
Dahil sa pagbabagong dulot ng halalang Mayo 9, 2022, masasabing bago na rin ang ating gobyerno.
PAGKAKAISA AT PAGTUTULUNGAN MULA SA MGA DAYUHAN
Kahit noong unofficial pa lang ang resulta ng halalan sa ilalim ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, nagpahayag na ang malalaking bansa ng kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan ang ilang malalaking bansa gaya ng China, Russia, United States, Japan at Australia.
Mabilis silang kumilala sa bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo at bagong gobyerno dahil na rin sa malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalang naganap.
Matapos ang proklamasyon ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa na sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio, bumuhos na ang mga mensahe ng pagbati, pakikiisa at pakikipagtulungan ang mas maraming bansa at tuloy-tuloy na nagaganap ito.
SA LOOB NG BANSA?
Walang duda na noong tumanggap ng pagkatalo ang karamihan sa mga hindi nanalo sa halalan, marami rin sa mga ito ang nagpahayag ng pakikiisa at pakikipagtulungan sa bagong pamunuan at gobyerno.
Pero may ilang na grupo na kahit kailan ay hindi naghahayag ng pakikiisa at pakikipagtulungan kahit pa sila nakikinabang sa lahat ng mabubuting bagay na ginagawa ng pamahalaan dahil gusto nilang sila ang hahawak ng gobyerno at wala nang iba pa.
Mayroon ding bantulot na makiisa at makipagtulungan dahil sa pagkapit nila sa kapangyarihan na napundar nila mula 1986 hanggang 2016 at gusto nilang sila-sila pa rin ang maghahari sa buong bayan kahit nakikinabang din sila sa mga mabubuting bagay na nagagawa ng mga administrasyong hindi nila nahawakan.
Masakit sa kanila ang pag-itsapwera sa kanila ng higit na nakararaming Pilipino mula 2016 hanggang sa mga araw na ito.
HALAGA NG PAKIKIISA AT PAKIKIPAGTULUNGAN
Kung tutuusin, hindi na kailangan pang ipaliwanag ang halaga ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Subalit binibigyan natin ang mga ito ng diin dahil kailangan natin sa pagbaka sa mabibigat nating kalagayan gaya ng mga idinulot ng pandemya.
Kailangan nating pagkaisahan at pagtulungang puksain ang pandemya na pumatay na ng mahigit 60,000 at ikinasakit at ikinaospital ng 3.7 milyong Pinoy.
Kailangan din nating magkaisa at magtulungan sa pagbangon nating lahat mula sa kahirapan, kagutuman at iba pa na dulot pa rin ng pandemya na pinalala ng giyerang Russia at Ukraine sa pamamagitan ng mapaminsalang krisis sa langis at pagkain, lalo na ang presyo ng mga ito at marami pang iba.
Kailangan din nating magkaisa sa pagsusulong ng mga ikabubuti ng lahat gaya ng napasimulan nang libreng edukasyon sa kolehiyo, zero balance sa ospital na dala ng Malakit Centers, paghupa ng krimen sa loob at labas ng tahanan na bunga ng giyera sa droga, pagtatanggol sa mga overseas Filipino worker, pagdurog sa korapsyon at pandarambong, paglago ng ekonomiya, kasama ang mga maliliit na negosyante, pag-ayuda sa mga magsasaka, mangingisda at obrero at iba pa.
YEAR OF THE PROTECTED AREAS, INILUNSAD NG DENR, DILG AT DOT

May 27, 2022 @7:11 PM
Views:
7
LUMAGDA sa isang Joint Declaration ang mga kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, at Department of Tourism para suportahan ang selebrasyon ng YoPA o ang “Year of the Protected Areas”.
Isinagawa ang paglagda nitong May 24, 2022 nina DENR acting secretary Jim Sampulna, DILG secretary Eduardo Año at DOT secretary Bernadette Romulo-Puyat kaugnay sa 90th anniversary ng pagkakaroon ng national park sa bansa.
Isinasaad sa deklarasyon na pangungunahan ng Biodiversity Management Bureau ng DENR at Biodiversity Finance Initiative ng United Nations Development Program ang kampanya na may pagtulong buhat sa DILG at DOT.
Magtutulong-tulong ang mga ahensya para sa promosyon at proteksyon ng protected areas sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System sa Pambansa at lokal na bahagi.
Ang YoPA ay bahagi ng mas malawakang selebrasyon ng International Day of Biological Diversity 2022.
Ayon sa CBD, ang Pilipinas ay sa 18 mega-diverse countries sa buong mundo kung saan 2/3 ng Earth’s biodiversity, 70% ng mga halaman, at 80% ng mga hayop ay makikita sa ating arkepelago.
Ikalima ang ating bansa sa pinakamaraming plant species at at mayroon tayong 5% ng mga bulaklak. At mayroong 53,00 species ang tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan o endemic.
Pero ang nakalulungkot, may 700 species ay nasa “extinction level” na o malapit ng mawala, 93% ng ating original forest cover ang nasira na matapos ang digmaan, at 53% ng ating coral reefs ang “in poor condition”.
Sa kasalukuyan ay mayroong 246 protected areas sa ilalim ng NIPAS Act kung saan 112 ang ipinasa ng Kongreso, 13 ang idineklara ng Pangulo ng bansa, at 121 ang initial component ng system.
Ang Mount Arayat ang siyang first national park sa bansa na itinatag noong June 27, 1933 alinsunod sa Republic Act No. 3915 o ang pagtatalaga ng mga national parks noong 1932.
Sa temang “Protected Areas for a Protected Future”, maliban sa konserbasyon, hangad din na ma-engganyo ang mga Pilipino na bisitahin ang mga national parks.
Kaugnay sa pagdiriwang ngayong taon, may anim na tampok na national parks, ang
ü Bongsanlay Natural Park sa Masbate;
ü Apo Reef Natural Park sa Occidental Mindoro;
ü Samar Island Natural Park sa mga lalawigan ng Samar, Eastern Samar at Northern Samar;
ü Balinsasayao Twin Lakes Natural Park sa Negros Oriental;
ü Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Davao Oriental; at ang
ü Mts. Timpoong Hibok-Hibok Natural Monument sa Camiguin
Bahagi rin ng pagdiriwang ang paglalabas ng isang Presidential Proclamation na nagdedeklara sa taong 2022 bilang “National Year of the Protected Area”, at paggunita sa bawat buwan ng Hunyo bilang “Month of the Protected Areas”.
Hinihintay na lamang ang paglagda dito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
MGA ENVOY NG US, JAPAN, INDIA, SOUTH KOREA BUMISITA KAY BBM

May 27, 2022 @7:09 PM
Views:
9
MAGKAKASUNOD na nag-courtesy call kay President-elect President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang apat na diplomat mula sa Amerika, Japan, South Korea at India sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City nito lamang nakalipas na Lunes ng umaga.
Unang bumisita kay Marcos si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa alas-9:00 ng umaga, kasunod si South Korean Ambassador Kim Inchul na dumating alas-10:00 ng umaga.
Alas-11:00 ng umaga, nagpugay rin kay Marcos si Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran, kasunod si US Chargé d’ Affaires Heather Variava na dumating bago mag-alas-12:00 ng tanghali.
Sa pakikipagpulong kay Marcos, tiniyak ng mga envoy ang pag-papalakas sa ugnayan sa ‘trade and diplomacy’ ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas, gayundin ang iisang layunin sa pagsu-sulong ng matatag na demokras-ya, ‘self-determination,’ at ‘economic recovery.’
Tiniyak aniya ng apat na diplomat ang kahandaan nilang magbigay ng tulong sa Pilipinas, lalo na sa mga programang may kaugnayan sa pagbangon ng ekono-miya na pinalugmok ng pandemya.
“Ang lagi ko lang pinapaalala sa kanila, sinasabi ko, palagay ko sa pandemyang ito, ang recovery ng lahat natin ay hindi kakayanin ng kahit ng isang bansa kahit na gaano kayaman.
Kaila-ngan the partnership will be the one that will bring us to keep the global economy as stable as possible,” sabi pa ni Marcos.
“As you know, nakatatanggap na ako ng congratulatory messages from heads of states, nakausap ko na sila. Ang unang nakatawag sa amin ay si US President Joe Biden, and Chinese President Xi,” dagdag pa ni Marcos.
“Also, Japanese Prime Minister Kishida, I even spoke with the outgoing Prime Minister of Australia, PM Morrison who had just went through an election.
“So, marami na talagang nangyayari, we’re already being recognized, This new administration is being recognized a mukha namang wala ng problema sa recognition. Maybe the comfortable margin that we enjoy during the election has a part to play with that,” wika pa niya.
Maliban sa Indian ambassador, ang tatlo pang diplomat ay tumanggi nang magpa-interview sa mga mamamahayag.
Sa kanyang panig, siniguro ni Marcos na ang Pilipinas ay nananatiling kaibigan, ka-partner at kaalyado ng apat na bansa.
Si Marcos, ang kauna-una-hang majority President simula noong 1986 dahil nanalo via landslide sa nakuhang mahigit 31.6 millyon boto nitong nakalipas na May 9 national elections.
Nauna nang nagpahayag ng suporta at pagbati sa paparating na Marcos administration ang mga ‘powerful leaders’ ng bansang US, China, Russia, Japan, South Korea at mga pinuno ng European Union.
Pinuri rin ng mga ito ang pagkakaroon ng malinis, maayos at mapayapang eleksyon ng Pilipinas.
SINUNGALING NA CPP-NPA-NDF AT MARCO VALBUENA

May 27, 2022 @7:08 PM
Views:
7
NITONG nagdaang linggo pagkatapos na pag-katapos ng eleksyon nagparatang na agad ang CPP-NPA-NDF sa pangunguna ng hindi natin alam kung totoong tao at taga-pagsalita nito na nagngangalang Marco Valbuena, na may iregularidad at dayadaan daw na ginawa ang COME-LEC.
Halata namang propaganda lang nila ito. Ang nakababahala ay udyukan pa ang marami na lumabas at sumama sa kanilang mga rally dahil hindi nanalo ang kani-lang gustong maging Pangulo ng bansa.
Ibig sabihin, ang binoto ng 31 milyong Filipino ay hindi kandidato ng CPP-NPA-NDF.
Samakatuwid, sino man itong Marco Valbuena, ay nais lang ma-kapanggulo muli para hindi matuloy ang pag-upo nina President-elect Bong Bong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte.
Nagpalaganap ng mga kasinungalingan at mga disimpormasyon para makakuha ng simpatya sa mga talunang kandidato at mga bo-tante ang mga lokong ito.
Ang sabi nga ng kai-bigan ko sa NTF-ELCAC na si piskal Flosemer Chris Gonzales, tila na-nanaginip na naman ang CPP-NPA-NDF at pina-ngangalandakan ang kanilang “ampaw” na lakas.
Dahil karamihan sa kanila ay nagsisuko na sa pamahalaan dahil sa kahirapan sa pakikipaglaban ng maling paniniwala.
“Ang nakatatawa sa inyo ay nakikisawsaw din kayo sa pulitika at eleksyon na para ba-gang may ambag kayo sa bansang ito maliban sa mahabang listahan ng mga inosenteng pinagpapatay ninyo at mga biktima ninyo ng pangi-ngikil.” Yan ang tinuran ni piskal Gonzales sa kanila.
“Minsan, napapailing na lang kami kung saan kayo humuhugot ng kapal ng mukha at sang-dangkal na kamanhiran habang nagpapanggap kayong mga human rights defenders kuno at ngayon naman, nagpapanggap na concerned kunyari sa resulta ng halalan,” dagdag niya.
Tulad niya, ako ay nakikiisa sa pangu-ngutya sa ma kakaunti pang natitirang mga CPP-NPA-NDF dahil nagiilus-yon na lamang ang mga ito na mayroon pa silang lakas para labanan ang pamahalaan.
Mga utot niyo! Nala-lapit na ang inyong katapusan.
SI OPLE AT ANG “STRANDED” OFWs

May 27, 2022 @7:06 PM
Views:
8