Panalo vs Skelly sisiguruhin ni Striegl sa UFC Fight Night

Panalo vs Skelly sisiguruhin ni Striegl sa UFC Fight Night

January 23, 2022 @ 4:39 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Titiyakin ni Fil-American MMA fighter Mark Striegl na masusungkit niya ang unang panalo sa UFC kapag nakaharap na si  veteran Chas Skelly sa UFC Fight Night: Dos Anjos vs Fiziev sa Peb. 20 sa Las Vegas.

Inaasahan ni Striegl ang isang maruming laro ni  Skelly dahil kilala ang reputasyon ng kalaban bilang “scrapper.”

“He’s nicknamed the scrapper… He’s the scrappy tough veteran, makes it an ugly fight every time. With a guy like that I make sure I come in very sharp and in very good shape,” ani Kelly.

“If it happens, I’d be ready for it. I’ve had some wars like that. If it goes to that then by all means let’s do it. But a nice finish is a nice finish. But if goes to a 15-minute war, to a decision then that’s what it’ll be.”

Nais ni Striegl na makabawi mula sa submission loss niya kay  Said Nurmagomedov noong Okt.  2020 noong una silang magharap sa UFC.

Upang matiyak na tuloy-tuloy ang kanyang trianing sa gitna ng pandemic, lumipat siya sa Peoria, Arizona para makasama sa training si  retired MMA fighter George Castro at Bryce Meredith.

Bagamat sina Striegl at Skelly ay parehong may hawak na 18-3 record, ang huli ay naunang sumagupa sa UFC mula pa noong 2014.

Pero walang pakialam si Striegl kung sabihin mang underdog siya sa laban, basta’t tsansa na niya ito at sasamantalahin na niya.