Pananabotahe sa IT system ng LTO bubusisiin

Pananabotahe sa IT system ng LTO bubusisiin

September 7, 2022 @ 2:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanindigan ang German IT provider ng Land Transportation Office na may hinihinalang pananabotahe sa IT system ng LTO kung bakit bumabagal umano ang sistema ng pagkuha ng driver’s license at pagproseso sa mga lisensya ng mga motorista sa ahensya.

Ito ang sinabi nitong Miyerkules ni Atty. Nikkie De Vega, tagapagsalita ng Dermalog na IT Provider ng LTO na siyang may hawak sa IT system ng LTO.

Sa isang press conference sinabi ni Atty. De Vega na possible na ang dahilan ng pagbagal sa kanilang IT system ay intensyunal na pananabotahe umano sa kanilang sistema na nagbibigay naman ng serbisyo ng internet connectivity sa mga rehiyon ng LTO sa buong bansa.

“Posible po may pananabote dahil yung pick hour ng pagbagal sa system (alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon) ay yung pick hour ng LTO transaction na kumukuha ng lisensya,” ani De Vega.

Nauna rito, ikinadismaya ng bagong talagang si Land Transportation Office Assistant Secretary Atty. Teofilo Guadiz III ang mabagal na pagproseso ng drivers license sa mga tanggapan ng LTO na pinamamahalaan ng German IT provider na Dermalog.

Ayon pa kay De Vega ayaw nila isipin na inside job o nasa loob ng LTO nanggagaling ang pananaboteh sa kanilang IT system.

“May mga computer ang LTO na nagko-cause ng pagbagal hindi lamang sa LTO Regioin 4,” ayon pa kay DE Vega.

Samantala kaugnay nito, nitong nakalipas na linggo ay sandamakmak na reklamo ang natatanggap ng LTO mula sa mga aplikante ng lisensya at nagre-renew ng kanilang drivers license dahil sa mabagal na system ng internet connectivity ng LTO.

“Bakit ang Dermalog ang siyang itututurong dahilan ng delay,” sabi pa ni De Vega.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Dermalog na handa silang makipagtulungan at makipag-usap para maresolba ang ano mang problema sa IT system ng LTO. Santi Celario