PANANAHIMIK SA KAAPIHAN NG KABABAIHAN, TINULIGSA NI POPE FRANCIS

PANANAHIMIK SA KAAPIHAN NG KABABAIHAN, TINULIGSA NI POPE FRANCIS

March 16, 2023 @ 10:38 AM 2 weeks ago


SA pagdiriwang ng International Women’s Day nitong March 8, 2023, sinabi ni Pope Francis mula sa Vatican City ang kanyang kalungkutan dahil sa pananahimik ng maraming sector pagdating sa usapin ng iba’t ibang kaapihang nararanasan ng mga kababaihan.

Ang pagtingin umano sa kababaihan bilang waste material o dumi ay isang latay na sumusugat sa sangkatauhan.

Pagbibigay-diin ng Santo Papa ang dignidad at pundamental na karapatan ng bawat tao ay dapat na igalang at proteksyunan pagdating    sa edukasyon, trabaho, pagpapahayag ng saloobin, at iba, lalong higit aniya sa kababaihan na mas nabibiktima ng pang-aabuso at karahasan.

Hindi dapat aniya nananahimik ang mundo sa naiibang pagturing sa kababaihan at sa paggamit sa kanila.

Ibinigay na halimbawa ng Santo Padre ang hindi pantay na pasahod sa babae at lalaki, pag-aalis sa trabaho kapag nagdadalang-tao, at madalas na sinasamantala sa lugar ng kanilang trabaho. Patuloy umano itong nangyayari sa mga pangunahing lungsod sa mundo.

Panawagan ni Pope Francis na maging boses ang bawat isa ng mga babaeng inaabuso, pinagmamalupitan, at dinadahas, na ipadinig sa buong mundo ang kanilang pagtangis at ang sakit na kanilang nararamdaman, para mabigyan sila ng katarungan at pag-asa.

Sa datos ng United Nations, isa sa bawat tatlong babae o 3.9 billion na kababaihan sa mundo ang nakararanas ng pang-aabuso at karahasan sa maraming bahagi ng daigdig.

Sa mga kababaihan, na biktima ng pang-aabuso,  huwag nang matakot bagkus ay dumulog sa barangay, kapulisan, social worker, Wo-men and Children Protection Unit (WCPU) ng mga ospital, o sa piskal. Huwag manahimik kapag may nakikitang karahasan sa kababaihan.

Atin ding hinihikayat ang mga guro, mag-aaral at grupo ng mga kababaihan na magtulong-tulong sa pagbibigay-proteksyon, pagpapayo, pangangalaga at pag-alalay sa muling pagbangon ng mga Violence Against Women (VAW) survivors.

Ang sama-sama nating pagkilos ay magbubunga  ng mas ligtas, mapayapa at kaaya-ayang tahanan at lipunan. Ating pagtulungan ang pagsupil sa karahasan sa mga kababaihan dahil      ito’y tungkulin mo, tungkulin nating lahat!

Gawin nating makabuluhan itong panawagan ni Pope Francis para sa mga kababaihan at mga batang babae dito sa Pilipinas at sa buong mundo.